Part 3

3.1K 65 0
                                    

"Ikaw ulit?" Nagulat ako kasi sya ung nakausap ko kanina sa park

"Oh alesha ikaw pala anong ginagawa mo dito?" Sabi ng nakabangga kong lalaki

"Nagdadate kami ng Girlfriend ko bakit? Sino ka ba?" Bigla naman akong inakbayan ni Kian at maangas na tinanong ang lalaki.

Woah nakakatakot naman tong si Kian ang seloso talaga nya pero kinikilig naman ako pero pigilan mo sya Alesha Huwag ka dyan lumandi!

"Ahh Kian Sya pala si Calix nakausap ko sya kanina nong hinihintay kita sa park" singit ko dahil ang sama na talaga ng tingin ni Kian sa kanya

"Ah Sige mauna na kami sayo pre, tara na babe" aya sa akin ni Kian.

"Sige una na kami sayo Calix ha?" paalam ko at binigyan ko ng tingin na nanghihingi ng pasensya

"Sige ingat kayo" kumaway pa sya samin at umalis na kami.

Umalis na kami ni kian don at ang sama ng tingin nya sa akin

"Look Kian its not what you think" natatakot na pahayag ko.

"Kian? Diba dapat babe?" nagtatampo nyang sabi.

"I'm sorry ikaw kasi natatakot ako sayo atsaka inabot lang nya sa akin yung panyo ko kanina" pagpapaliwanag ko.

"Inabot lang pala ung panyo tapos nagkakilala na agad kayo so amazing" sarkastikong saad nya at umirap pa.

Tsk para talaga syang babae at ang seloso talaga nya pero naiintindihan ko naman dahil mahal ko sya.

"Huwag ka ng magselos alam mo namang ikaw lang ang mahal ko eh" paglalambing ko sa kanya.

"Basta I dont like him kaya lumayo ka sa kanya" medyo galit nyang sabi.

"Kanino ka ba talaga nagseselos sa kanya o sa akin?" Tapos bigla akong tumawa hahahahaha pero pagtingin ko ang sama na ng tingin nya sakin kaya naman nag peace sign ako.

"Joke lang babe, ikaw naman napakaseryoso mo tara na nga" naglakad na ako at hinila ko si kian pero ayaw nyang umalis sa pwesto nya.

Kaya naman humarap ako sa kanya at tumingkayad para mahalikan ko ang kanyang labi. Gulat na gulat sya at namumula ang kanyang tainga, sino ba namang hindi eh maraming nakakakita samin dito.

"Ito ang tandaan mo Kian You will always be my love at walang makakapalit sa pwesto mo I love you" saad ko pagkatapos ko syang halikan.

"I love you too babe and ikaw lang din ang mamahalin ko" he replied and gave me a kiss on the lips.

Ako naman ngayon ang nahiya at napayuko na lang.

"Tara na?" Aya nya sakin at habang naglalakad ay hinawakan nya ang aking kamay

Naglakad na kami papasok sa loob ng national bookstore at namili ng dapat bilhin.

Sa kabilang banda naman ay may isang lalaki na nakatingin sa kanila, pinagmamasdan ang bawat galaw ng dalawa

"I will have you Alesha just wait and see" at tumawa ito na parang baliw.

Ang Boyfriend kong Ml PlayerWhere stories live. Discover now