Part 23

1.3K 31 0
                                    

Pumunta kagad ako sa station ng mga nurse at tinanong kong anong room nya

"Room 270 po" sabi nong nurse

Nagpasalamat muna ako bago umalis. Pagkarating ko sa tapat ng kwarto nya ay kumatok muna ako bago pumasok

"Alesha buti nakapunta" sabi ng mama ni Kian

"Kamusta na po sya?" Tiningnan ko si Kian at saka dahan dahan na lumapit sa kanya ang putla nya

"Maayos na naman sabi ng doktor pero.." nag aalinlangan pang sumagot si Tita

"Pero ano po? May masama po bang nangyari?" Kinakabahan na tanong ko

"Hintayin mo na lang syang magising at sya ang magsasabi sayo" Medyo naluluhang sabi ni Tita

"Ha? Bakit po? Kinakabahan po ako sa sinasabi nyo eh"

"Gusto kasi nya na sya mismo ang magsabi sayo, Mauuna na muna ako sayo at may kukunin lang ako sa bahay babalik din ako mamaya ikaw na muna ang bahala sa kanya ha"

"Sige po Tita mag iingat po kayo" lumabas na si Tita ng kwarto at ako naman ay kumuha ng bangko at itinabi sa kama ni Kian

Ilang minuto lamang ay nagising na rin si Kian at parang hinang hina sya

"Babes? Ikaw ba yan?" Kinapitan ko ang kanyang kamay

"Oo babes kamusta ang pakiramdam mo ok ka lang ba?"

"Oo naman nandito ka na eh" nagawa pang mambola

"Nasan nga pala si Mama?" Tanong ni Kian

"Umuwi mo na ng bahay nyo may Kukunin lang daw sya pero Babalik din mamaya"

"Ahh ok buti at nakapunta ka dito"

"Tinawagan kasi ako ni Tita may sasabihin ka daw sakin?" Kinakabahan kong sinabi

"H-ha?" Nagulat na lang ako ng may biglang tumulong dugo sa kanyang ilong

"Babes may tumutulong dugo sa ilong mo Dito ka lang tatawag ako ng doctor" akmang aalis na ako ng biglang hawakan ni Kian ang aking kamay

"Babes bitawan mo ako kailangan kong tumawag ng Doctor" lumuluhang usal ko

"Alesha may aaminin ako sayo" natatakot ako sa maaaring sabihin nya kaya nagpumilit akong umalis sa kapit nya

"Mamaya na yan Babes kailangan kong tunawag ng Doctor baka kong anong mangyari sayo" pilit kong inaalis ang kanyang pagkakapit sa akin habang walang humpay ang pagtulo ng aking luha

"May Leukemia ako" biglang sabi nya na ikinagunaw ng aking mundo

"H-h-ha? Ano bang pinag sasabi-i mo dyan-n? Huwag ka ngang magbiro Kian dahil Hindi magandang Biro yan" seryosong sabi ko

"Pero hindi ako Nagbibiro-o matagal ko ng gustong sabihin sayo pero natatakot ako" lumuluhang sabi nya

"Natatakot? Saan? Bakit hindi mo kagad sinabi sa akin?"

" Natatakot akong iwan mo ako pag nalaman mong may sakit ako, Natatakot ako na baka maghanap ka ng iba at hindi mo na ako mahalin ayaw kong mangyari un" naawa naman ako sa kanya pinunasan ko ang kanyang mga luha at ang natuyong dugo

"Hindi ko gagawin un dahil mahal na mahal kita alam mo namang ikaw lang ang mahal ko kaya huwag kang matakot dahil sabay nating lalabanan ang sakit mo kahit anong mangyari hindi kita iiwan" sabay halik sa kanyang labi

"Salamat Alesha Mahal na Mahal din kita sana Mapatawad mo ako"

Ang Boyfriend kong Ml PlayerWhere stories live. Discover now