Part 28

1.3K 23 1
                                    

"H-ha? P-pano nangyari un? Wala pang isang buwan ang ating pagkakakilanlan pano nangyaring mahal mo na ako? Nagpapatawa ka ba?" Tumawa ako ng bahagya pero in a sarcastic way kasi hindi na sya nakakatuwa

"Ikaw lang naman ang hindi na kakakilala sakin eh halos 2 taon na kitang kilala" sabay ngisi

Sa totoo lang natatakot na ako sa kanya pero pano nangyari na halos 2 taon na nya akong kilala samantalang 1 linggo pa lang naman talaga

"Pano nangyari un?"

"Natatandaan mo pa ba ung mga letter sa locker mo? Hmm ako lang naman si C.C"

Nagulat ako sa sinabi nya ibig sabihin nagpanggap sya na un ang una naming pagkikita sa park?

"Nababaliw ka na ba? Kahit anong gawin mo hindi kita magugustohan"

"Alam mo ba kong bakit tumigil ako sa pagsulat sayo?"

Bakit nga ba?

"Dahil nagkasakit ako sa puso kala ko mawawala na ung nararamdaman ko nong natapos ang heart transplant sa akin pero hindi pala dahil lalo lang kitang minahal at ng maging maayos na ako ay bumalik ako para sayo pero nalaman ko na may Boyfriend ka na pala pero dapat ako un hindi si Kian"

Kaya siguro binabantayan sya ni Cath pero wala na akong paki sa kanya lalo na ngayong nalaman ko na ang totoo

"Hinding hindi mangyayari un dahil hindi kita kayang mahalin si Kian lang ang mamahalin ko hanggang sa pagtanda namin"

Bigla syang natawa baliw na talaga sya Psh

"Makakaabot pa kaya? Balita ko may Leukemia daw si 'Babes' mo? Kaya alam kong mapapasakin ka rin"

Sa sobrang galit ko sa kanya ay nasampal ko sya halatang nagulat sya sa ginawa ko pero wala akong paki tumayo na ako at sinabi ko sa kanya

"Hindi mawawala sa akin si Kian isinusumpa ko na mauuna ka pa bago sya mawala" at umalis na ako, pumunta na ako sa aking kotse at nagdrive papunta sa Hospital kong saan naroroon si Kian

Samantalang naiwan si Calix na tatawa pero lumuluha dahil nasasaktan sya sa nangyari hindi nya inaasahan na magiging ganon ang kanilang pag uusap, Napailing na lang sya at sinabi sa sarili

"Hindi mo man ako kayang mahalin ngayon pero sinisigurado ko na mapapasakin ka pag nawala na si Kian"

Ang Boyfriend kong Ml PlayerWhere stories live. Discover now