Part 2

3.9K 68 2
                                    

"Mag break na tayo" ulit ko.

"Ha? Ano bang pinagsasasabi mo, babe?" Natatawa niyang tanong.

"Hindi ko na kaya Kian, lagi mo na lang akong binabalewala dahil diyan sa lintek na ML mo!" Napasigaw na ako sa inis.

"Iyon lang ba? Sige magbabago na ako, just please, don't break up with me." Pagmamakaawa niya.

"Pero--" He cut me off.

"Simula ngayon idedelete ko na ang ML ko at ikaw na ang lagi kong iintindihin. Lagi tayong magdadate, makikinig na ako sa mga kwento mo at higit sa lahat ipaparamdam ko sa'yo kung gaano kita ka-mahal basta Alesha huwag mo akong iwan, hindi ko kakayanin." Bigla siyang lumuha at doon na ako tuluyang nanghina. Hindi ko kayang makitang lumuluha ang taong mahal ko kaya naman niyakap ko siya nang mahigpit at tuluyan na rin akong napaiyak.


"Shhh! Hindi na kita iiwan, kaya stop crying okay? Mahal na mahal kita at gusto ko lang naman na ako naman ang pahalagahan mo at hindi ang laro na yun. I thought mas pipiliin mo ang ML kaysa sa akin pero I was wrong, mahal na mahal kita Kian." I hugged him tighter.

"Ikaw lang ang pipiliin ko. I love you too Alesha. Sana mapatawad mo ako." He said.

"I will always forgive you, babe." Aniko at umalis mula sa pagkakayakap sa kaniya.


"Tara na date na tayo, libre mo." HAHAHA! Ganito siguro kapag mahal mo ang isang tao, kahit anong gawin niyang pagkakamali, mapapatawad at mapapatawad mo siya. Sana nga ay magbago na siya. I miss the old him at ngayon magdadate na kami ng walang ML na kasama, sana ganito na lang araw-araw kasi hindi ko siya kayang ipagpalit sa kahit sino man.



Sa kabilang banda naman ay may nakatingin sa kanilang dalawa habang naglalakad sila. Sobra siyang nasasaktan sa tagpo na yun, kasi akala niya may pag-asa na siya pero wala pa rin pala pero hindi siya titigil at hindi mawawalan ng pag-asa na mamahalin rin siya ni Alesha.

****

"Babe! Anong gusto mong kainin?"

Pumunta kami ni Kian sa mall. Ewan ko ba kung anong trip niya at bigla nag-aya ng date, siguro nga bumabawi HAHAHA! Ang sweet niya talaga!

"Kahit ano babe, ikaw bahala." I said.

"Okay lang ba sa'yo na kahit dito na lang sa Korean Resto?" He asked.

"Yeah! Alam mo naman na favorite ko ang mga korean foods." I said that made him smile.

Pumasok na kami sa loob at punuan, buti na lang may katatapos lang kumain kaya doon na kami umupo.

Um-order na rin kami at naghintay ng pagdating ng pagkain.

"Alam mo ba, babe? Sobrang nasaktan ako nung sinabi mo na makikipagbreak ka na sa akin? Hindi ko kaya parang mamamatay ako sa sakit" He suddenly confessed. Naawa naman ako sa kanya.

"Ikaw naman kasi, babe. Wala ka ng time sa akin at nagiging sinungaling ka na sa akin." His brows furrowed on what I said.

"Ha? Kailan ako nagsinungaling?" Tanong niya.

"Hmmp! Tuwing gabi, lagi mong sinasabi na tutulog ka na pero naglalaro ka lang pala. Mas inuuna mo palagi yang ML na 'yan kaya nagtampo ako sa'yo." Aniko.

"Kaya nga po hindi na ako uulit. Pero babe, pwede ba na huwag kong itigil pero babawasan ko lang ang paglalaro ko? I will spend more time with you." Aniya

"Naku! Ano pa bang magagawa ko? Mas okay na ang ma-addict ka sa Mobile Legends kaysa sa mambabae ka." Pag-irap ko.

"Ay babe, 'yan naman ang hindi ko kayang gawin. Alam mo naman na you're the only one diba?" He said that sends kilig to my body.

"Yeah, I know and I trust you." I smiled at him.

I was shocked when he kissed me on my cheeks, I can feel my face heating up dahil sa kilig.

"Excuse me po. Ito na po yung order niyo, Ma'am, Sir." The waiter said as he placed our orders in the table.


OMG! Nakita ata ni nung waiter. Nakakahiya kaya napayuko na lang ako.

"Thanks!" Kian and I said in unison.

"Kain na tayo, huwag ka na diyang mahiya HAHAHA!" mapang-asar na sabi ni Kian.

Aba! Tinawanan pa ako, ang galing talaga. Sinamaan ko nalang siya ng tingin.

"Okay! I surrender! HAHAHA!" He said, putting both of his hands in the air and acting like he was really surrendering.

Kumain na kami at pagkalipas ng ilang minuto ay natapos rin kami. We asked for the bill and payed it.

Umalis na kami sa Resto, magshoshopping muna raw kami para sa school kasi kulang na raw yung gamit niya. Papunta na kami sa National Bookstore nang may makabangga ako.

"Sorry, Miss." The one I bumped to apologized.

"Ayos lang po yun ku----"

"Ikaw ulit?"

Ang Boyfriend kong Ml PlayerWhere stories live. Discover now