Pumasok ako sa kuwarto at kinuha ang cellphone ko. Tinext ko sila Mama  upang imbitahan sila, pati narin ang mga kaibigan ko.

Nang lahat na ay naimbitahan ko doon ko naman naalala si Yukki, hindi kompleto ang hapagkainan kapag wala si Yukki kaya naman tinext ko rin ito.

"Hindi na ako makapaghintay na masabi sa kanila ang balita."

Senon's PoV

Papunta na ako ng Condo Unit ni Ki nang maka-receive ako ng text message mula kay Vienne.

From: Vienne,

   You are invited in our house for a special news.

      8:00 PM.

At anong special news naman kaya ang ia-announce ng mokong na 'to? Tinignan ko ang oras at meron pa kaming isang oras para sa Special News ni Vienne.

Since alam kong invited din si Ki ay sabay nalang kami pupunta doon, wala eh nandito na ako sa tapat ng unit niya. No choice siya.

Kakatok na sana ako ng bigla nalang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Ki. Gulat agad ang tumambad sa mukha naming dalawa.

"Oh, Senon anong ginagawa mo dito?"

"Para sabay na tayo?" Hindi pa ako sure niyan pero sure na sure talaga ako diyan.

"Really? Pero kaka-text palang ni Vienne ah, ano advance ka mag-isip? Ang bilis mo naman makarating dito, don't tell me..." He's sharp as always. Ba't ba ang bilis mo Ki?

"Oo na Ki balak ko narin talaga pumunta dito and since ayon nga nag-text si Vienne I decided na sabay nalang tayo." Paliwanag ko rito dahil nahuli narin naman.

"Pwede naman kaso may dadaanan pa ako eh." Napataas naman ang kilay ko nung masabi niya 'yon.

______________________________________

And as usual

"Books." Nasabi ko nalamang nang tumambad sa akin ang isang bookstore. He really loves to read.

"Oo nga pala kaka-release lang ng new book ni Scarlet." Kaya pala gustong magpunta ni Ki sa bookstore, babasahin niya ata yung bagong release ni Scarlet. Kahit karibal ni Ki si Scarlet ay binabasa niya parin ang mga libro nito without any judgement at sabagay hindi lang naman kay Scarlet niya ito ginagawa, every may bagong niri-release ang mga author ay agad na binabasa ni Ki, I wonder why though.

"Senon, let's go." Sumunod naman ako kay Ki na papalabas na ng bookstore at patungong parking lot kung nasaan ang kotse ko.

"Do you have any idea kung ano ang Special News ni Vienne?" I ask if may idea siya sa gaganapin mamaya.

"I have none but I think it's something big " napa 'hmm' nalamang ako at nagpatuloy sa pagmamaneho. Naalala ko yung kotse pala ni Ki kakamustahin ko bukas.

Ilang minutong biyahe ay nakarating narin kami kaagad sa bahay nila Vienne at rinig ko na agad sa labas ang ingay na nanggagaling sa loob ng bahay.

"Mukhang malaki nga ang news Yukki." Sabi ko pagbaba namin ng kotse.

Pagpasok namin sa bahay ay kita ko ring nandoon sila Liam at Josh. Nakita ko ring nandito rin sila Mr. And Mrs. Jimsckon at Mr. And Mrs. Velamore.

Mukhang kompleto ang pamilya ah, ano ba ang Special News na ito ni Vienne?

"Hello, good evening po Mr. And Mrs. Jimsckon, sainyo rin po Mr. And Mrs. Velamore. Mukhang kompleto po tayo ngayon ah." Ngumiti sa akin ang apat at kinamayan ako, binati rin ni Ki ang mga ito.

PretendWhere stories live. Discover now