~_^

Ram drove me home. Wala siyang choice. Kanina tingin siya ng tingin kay Ciara, eh kasi ihahatid yata nung si Miko. Alangan naman dalawa kaming ihatid ni Ram? Hindi ako papayag. Saan siya sasakay? Sa kotse ko? No way! Baka tadyakan ko siya palabas!

>//<

"Bakit mo ginawa yon?" tanong ni Ram. Nasa sala kami ng bahay namin.

"I don't know what you're talking about", sagot ko sa kanya at paakyat na ako sa hagdan.

"Hindi pa tayo tapos Arianne. We need to talk."

Hinarap ko siya. "Okay. As long as paguusapan natin ang tungkol sa ating dalawa, makikinig ako."

Hinawakan niya ako sa braso.

"Walang tayo Arianne. You know that. Kung nagugutom ka na kanina, pwede naman tayong kumain ah, bakit niyaya mo pa sila?"

oh! So that's it?! Yun pala ang ikinagagalit niya.

"That was fun! I had fun, ikaw? Hindi ba?"

Sige Ram, mainis ka. If that is the only para kausapin mo ako, okay lang.

"Fun? Fun ang tawag mo dun? Ano pa bang gusto mo? Hanggang kelan mo ba ako ikukulong? Ginagawa ko naman ang lahat ng gusto mo ah?!"

He's losing his temper. 'Relax Arianne, wag kang magpapasindak sa galit niya. Nasayo ang alas. Hindi ka niyan kayang saktan.'

"LAHAT? You're missing on something Ram. Kung ginagawa mo lahat, dapat ako na ang nasa puso mo ngayon. Dapat ako na ang mahal mo!"

"You know I can't do that! Pagmamahal lang ng isang kaibigan ang kaya kong ibigay sayo", mahinang sabi ni Ram.

Kung makikita niya lang ang puso ko, nasa sahig na to at durog durog. Ang sakit!

TT.TT

Hindi ko na alam kung ano pa ba ang dapat kong gawin para mahalin niya din ako. Hindi ako dapat umiyak sa harap niya. Kakaawaan niya lang ako and that would be the last thing I want to happen.         Ayoko ng awa niya. Pagmamahal niya ang kailangan ko.        

Iniangat ko ang mukha ko at pilit na ngumiti.        

"Well, as of now, maaaring oo, but I will make sure makukuha ko din ang puso mo", lakas loob ko na lang na sinabi kay Ram ng nakangiti, at nagdiretso na ako sa kwarto ko.        

Honestly, habang tumatagal, mas nawawalan ako ng pag-asa. Kung noon nga na nasa ibang bansa kami at walang Ciara, nahihirapan na akong makuha ang puso niya, what more ngayon?         Pero hindi pa din ako titigil hanggat hindi ko siya nakukuha.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------  

VOTE if you like.. leave a COMMENT.  

Malapit na ang concert ng Maroon 5. Libre nyo ko. Hahaha!   -frutyfruth

No Strings Attached (Tagalog)Where stories live. Discover now