*
Kinabukasan, masayang masaya si Jopay. Nakita ni Ciara na pakanta kanta pa ito sa classroom.
"So bakit masaya ang bakla?" tanong niya.
"May good news ako!"
"Ano? Na-perfect mo ang exam?" tanong ni Ciara.
"Hindi", sagot ni Jopay.
"Tumama kayo sa lotto?" tanong ni Lira.
"Hindi rin. Anu ka ba? Hindi naman kami tumataya sa lotto, paano kami tatama?"
"O e anu nga? Ah alam ko na? Walang pasok bukas? Kaya tuwang tuwa ka kasi makakagala ka naman at makakapang-boys ka na naman! Tama ako noh?" sabi ni Ciara.
"Hindi."
"Hindi? Eh yang mga ganyang tuwa mo eh boys lang ang dahilan niyan ah?"
"Oo nga."
"O so bakit ka nga masaya?" paulit ulit na tanong ni Ciara.
Lumapit pa sila ni Lira kay Jopay at ibubulong daw nito kung bakit.
"Eh kasi.. Single na si Ram", kinikilig na sabi ni Jopay.
Napasimangot si Ciara.
"Hmp. Yun lang? Yun lang ang sasabihin mo? Akala ko naman kung kung anu na. Hay naku Jopay, sa susunod, pag yang mga ganyang bagay eh sarilinin mo na lang ha", sabi ni Ciara.
"Hay naku Ciara, ewan ko sayo, bitter ka lang kasi wala kang boyfriend, kaya di ka makarelate kung paano kiligin, hahaha", pang-aasar ni Jopay.
"Aba, at nagsalita ang may boyfriend. Bakit may boyfriend ka ba?"
"Oo!"
"Kelan pa? Sino naman ang tangang pumatol sayo?"
"Si Ram!"
"Weh?", sabi ni Lira.
"Oo, hindi nga lang niya alam na boyfriend ko siya", malungkot na sagot ni Jopay.
"Hahahaha."
Tawa ng tawa yung dalawa.
"Tska kung kilig lang naman ang pag-uusapan, naranasan ko na yan, at kung masasaktan lang ako sa huli, wag na lang", sabi ni Ciara.
Nilapitan ni Jopay si Ciara.
"Ay Ciara, alam ko na kung anong course ang kunin mo sa College", sabi ni Jopay.
"Ano naman yon?"
"Tutal hobby mo naman ang balikan ang nakaraan, eh bakit hindi ka na lang mag major in HISTORY? Hahaha", pangaasar ni Jopay.
"Tse!"
Nagtatawanan pa din sina Jopay at Lira.
--------------------------------
Try ko let mag update maya. Baka sumabog na cp ko. hahahaha :D
YOU ARE READING
No Strings Attached (Tagalog)
Romance3 Rules of Relationship Without Commitment: (1) bawal mag-expect. (2) bawal magselos. (3) bawal ma-inlove. Ikaw? Naranasan mo na ba yan? Eh paano kung ma-inlove ka? Masasabi mo bang talo ka?
