Chapter 17 (c)

18.4K 104 1
                                        

*

Pinilit lang si Ram na pumasok ng araw na yon.

"Pero Kuya, i want to know Dad's condition. Hindi ako papasok hanggat hindi siya ok", sabi ni Ram sa kuya niya.

"Ram, ok na siya. In fact makakalabas na nga siya ng hospital bukas."

Bigla na lang nahimatay ang daddy niya kahapon kaya isinugod ito sa hospital.

"Pumasok ka na at baka ma-late ka pa."

Parang lulugo-lugong pumasok si Ram sa school. Wala siya sa mood makipag-asaran kina Toper. Wala din siya sa mood gumawa ng activities. Mabuti na lang hindi siya sinita ni Ciara, ang leader nila na makipagparticipate.

Hanggang sa natapos ang buong araw.

Gustong gusto na niyang makalabas sa school at puntahan ang daddy niya.

Para sa kanya, ito ang kanyang best friend, kaya ng isugod ito sa hospital ay alalang-alala siya.

Hindi niya alam ang gagawin kapag nawala ito sa kanya.

Gising na ito ng dumating siya sa hospital.

"Kamusta na po kayo Dad?" tanong niya.

"Mabuti na ang pakiramdam ko. Sabi ng kuya mo ayaw mo daw pumasok kanina dahil nag-aalala ka sa kalagayan ko. Iho, ok na ako. Wala kang dapat ipagalala."

Kinabukasan ay lumabas na nga ng hospital ang Daddy niya.

No Strings Attached (Tagalog)Where stories live. Discover now