Sa school...
"Goodmorning class, today iibahin ko ang seating arrangement ninyo", sabi ng adviser nila
"Ha? Bakit?" pagtataka ni Ciara.
"Oh-Em! Paano na tayo magchichikahan?" tanong ni Jopay.
Nang malapit ng matapos mapaglahok lahok silang magkakaklase sa seating arrangement, si Ram, Toper at Troy na lang ang nakatayo.
"Christopher, dun ka sa tabi ni Jepoy", sabi ng adviser nila kay Toper.
"Pare, parusa", bulong ni Toper sa dalawa. Nagtawanan naman yung dalawa.
"Ikaw naman Troy, sa tabi ni Gail. At ikaw Ram, sa tabi ni Ciara."
Nagulat si Ciara sa narinig. Tiningnan niya si Ram na kumikilos na papalapit sa kanya.
Umupo ito sa tabi niya.
"I hope you dont mind?" tanong ni Ram kay Ciara.
"May choice ba ako?" mahina niyang sagot.
Pinipilit maging komportable ni Ciara habang nagkaklase.
Naninibago siya dahil hindi na sina Lira at Jopay ang katabi niya.
"Wag kang mag-alala, hindi kita kakasuhan kahit nahuli kitang nagnanakaw", bulong ni Ram.
"Sandali, ako ba ang kausap mo?" tanong ni Ciara.
Tiningnan siya ni Ram.
"Oo, ikaw."
"Ano bang pinagsasasabi mo?"
"Kahapon. Nahuli kitang nagnanakaw ng tingin saken."
"Hindi ah", pagsisinungaling ni Ciara. "Ano ba yan? Nakita pala niyang tinitingnan ko siya kahapon. Haist. Bakit ko nga ba kasi siya tinitingnan?" sabi niya sa sarili.
Kinuha na lang niya ang bag niya at binuksan para kumuha ng papel at ballpen. Pero wala ang ballpen niya.
"Naman.. Asan na ba yon?" bulong ni Ciara nang bigla niya naalala na hiniram nga pala ng Ate niya ang ballpen niya kagabi para maglista ng groceries.
"Haist. Si Ate talaga."
YOU ARE READING
No Strings Attached (Tagalog)
Romance3 Rules of Relationship Without Commitment: (1) bawal mag-expect. (2) bawal magselos. (3) bawal ma-inlove. Ikaw? Naranasan mo na ba yan? Eh paano kung ma-inlove ka? Masasabi mo bang talo ka?
