Chapter 21 (b)

17.2K 78 0
                                        

*

Kinabukasan, habang naglalakad papasok sa classroom ay napansin ni Ciara na nakatingin sa kanya ang mga babae na nadadaanan niya.

"Oo, siya yun", rinig niyang sabi ng isa.

"Hmp. Ang swerte naman niya", sagot nung isa.

Nang makapasok na siya ng classroom ay nilapitan kaagad siya nina Jopay at Lira.

"Ikaw na teh! Ikaw na!" sabi sa kanya ni Jopay.

Napakunot ang noo niya.

"Ang ano?" tanong niya.

"Nililigawan ka na pala ni Ram, di mo man lang kinekwento samen", may himig na pagtatampo ni Lira.

"Sino naman may sabi?" pagtataka niya.

"Pinaguusapan ng mga babae dyan. Tsaka kalat na ata sa campus ang tungkol dun. Hay, sa iba pa namin nalaman", sagot ni Lira.

Natahimik siya. Kaya pala pinagtitinginan siya ng mga babae kanina. Naguguluhan siya. Kahapon lang naman nagsabi sa kanya si Ram na manliligaw ito, pero bakit alam na ng mga kaibigan niya? Bakit ang dami ng may alam?

"So, totoo nga? Nanliligaw na siya sayo?" tanong ni Lira.

"Hindi", sagot niya.

Tinitigan siya ng dalawa.

"Oo. Ewan!" pagbabago niya ng sagot.

Umirit yung dalawa.

"Ayihhhh", kinikilig yung dalawa.

"Sshh! Wag nga kayong maingay. Hindi ko alam kung nanliligaw o manliligaw siya", sagot niya.

"Ang gulo mo naman ha."

"Eh kahapon kasi nagsabi siya saken na manliligaw siya. Malay ko ba dun kung pinagtitripan lang ako. Nagtataka ako, bakit ang dami ng may alam eh kahapon lang naman siya nagsabi."

"Hindi din namin alam. Tanungin mo si Ram, pero eh ano naman kung alam ng buong mundo. Mabuti nga yun diba? Alam nila na ikaw ang kinababaliwan ni Ram", sabi ni Lira at tumawa sila ni Jopay.

No Strings Attached (Tagalog)Where stories live. Discover now