Chapter 19 (c)

17.7K 91 2
                                        

"Hindi naman ako nagcommute."

"Ha? Ang gulo mo kausap Ciara. Sabi mo di ka sinundo ng Ate mo, tapos hindi ka din nagcommute? O, paano ka nakauwi?"

"Isinabay ako ni Ram", mahina niyang sagot.

Nagulat ang dalawa.

"Ang tarush mo girl ha, ang haba ng hair, inihatid ka pa talaga ni Ram. Selos ako ha", sabi ni Jopay.

"Hindi ka naman hinarass?" pag-aalala ni Lira.

"Huy. Ano ka ba? Anong hinarass? Hindi noh. Nagmagandang loob na nga yung tao, gentleman pala siya", sabi ni Ciara at ngumiti.

"Aba, pinagtatanggol mo na siya ngayon ha", pangaasar ni Lira.

"Hindi ah", sagot niya at bigla niyang naalala ang nangyari kanina. "Hmp. Ewan ko ba dun, minsan mabait, minsan mayabang", dugtong pa niya.

"Basta lagi siyang gwapo", kinikilig na sabi ni Jopay.

Pabalik na sila sa classroom ng makasalubong nila si Miko.

"Hi Ciara! Kamusta ka na?" bati nito.

"Im good", tipid niyang sagot. "Actually Im better, better off without you", gusto niyang idugtong pero sinabi na lang niya yun sa sarili.

Nagdiretso na sila sa paglalakad ng tinawag siya ni Miko.

"Ahm. Ciara!"

Tumigil siya sa paglalakad, pero hindi lumingon.

"Pwede ba kitang yayaing lumabas?"

Nilingon na niya ito. Lumapit naman sa kanya si Miko at nakangiti pa ito, naghihintay ng sagot mula sa kanya.

"Busy kasi ako. Wala akong oras para dyan", sagot niya ng nakangiti.

Tumalikod na siya at naglakad palayo.

"And the best actress award goes to.. Ciara Grimaldo!" sabi ni Jopay ng makapasok na sila sa loob ng classroom.

"Best actress, best actress ka dyan. Ano bang pinagsasasabi mo?" tanong ni Ciara at umupo sa armchair niya.

No Strings Attached (Tagalog)Where stories live. Discover now