MIKO'S POV
Aaargghh.. Di ko na siya makontak. Gusto ko lang namang makausap si Ciara. Hay. Pupuntahan ko na lang siya bukas sa kanila.
(Kinabukasan)
Ang aga naman ni Wesley mangapitbahay, naka jersey pa.
"O? Bakit ka nandito?" tanong ko sa kanya.
"Anong bakit? Nakalimutan mo? Diba may usapan tayo, magbabasketball tayo ngayon", sagot ni Wesley. Umupo pa ito sa couch.
Naku, patay. Nakalimutan ko nga. Paano ba naman kasi wala ng ibang laman ang utak ko kundi si Ciara.
"Wag mong sabihing magbabasketball ka nang ganyan ang suot mo?"
Napatingin naman ako sa suot ko. Bihis na bihis nga pala ang porma ko.
"Pare, next time na lang tayo magbasketball", sabi ko.
"Bakit? Teka nga. Saan ka ba pupunta?"
"Kina Ciara."
"Manunuyo? Hahaha."
Aba at tinawanan pa ako ng lokong to.
"Gusto ko siyang makausap."
"Feeling mo naman kakausapin ka non? Eh mukhang galit nga sayo diba."
"Basta."
"Hay naku pare, akala ko ba basketball ang sport mo, di ko alam marunong ka din palang mag-soccer. Matapos mong sipain, saka mo hahabulin. Tsk. Tsk."
Ano daw? Minsan talaga itong si Wesley, ang gulo kausap.
"Ano??"
"O, diba ikaw ang gumawa ng dahilan para sipain siya sa buhay mo, tapos ngayon hahabulin mo", naiiling na sabi ni Wesley.
"Alam mo Wesley, minsan ang dami mong alam. Nagawa kong mainlove sa akin si Ciara noon, magagawa ko ulit yun ngayon."
"Bahala ka nga. Dyan ka na. Good luck na lang sa panunuyo mo. Hahahaha."
Buti naman umalis na ang lokong yun. Mangaasar lang.
Tatawagan ko nga muna ulit si Ciara.
Anu ba yan. Di ko talaga makontak. Isusurprise ko na lang siya. Hehehe.
YOU ARE READING
No Strings Attached (Tagalog)
Romance3 Rules of Relationship Without Commitment: (1) bawal mag-expect. (2) bawal magselos. (3) bawal ma-inlove. Ikaw? Naranasan mo na ba yan? Eh paano kung ma-inlove ka? Masasabi mo bang talo ka?
