Guys, sorry late update.
I hope you like this.
Enjoy!! :)
---------------------------------------------------------------------------
Chapter 26
Nagdiretso na sa canteen sina Ciara.
Napansin ni Lira na nakabungisngis pa din si Jopay.
"Eto naman kung makabungisngis, wagas!" sabi ni Lira kay Jopay.
Matapos makabili ng pagkain ay nakahanap naman agad sila ng mauupuan.
"Bring it on Ciara." sabi ni Jopay. "Go. Kwento na."
"Ano pa bang gusto ninyong marinig? Hindi pa ba sapat na nasabi ko na nagdate kami ni Ram?" tanong ni Ciara.
"Hindi!" sabay na sagot ng dalawa.
"Gusto namin syempre detalyado", dugtong ni Lira.
"Oo nga. Kaya hindi ka pwedeng sumubo hanggat di ka nagkekwento." sabi ni Jopay at hinawakan pa ang kamay niyang may hawak na kutsara.
"Ok. Sinundo ako ni Ram sa bahay, kumain kami sa Peronis, we shared some info bout each other, then he drove me home. End of the story."
Nang bitiwan ni Jopay ang kamay niya ay agad siyang sumubo.
"Yun na yon?" dismayadong tanong ni Jopay.
Ciara nodded.
"Dapat ko pa bang ikwento ang tungkol kay Miko?" tanong ni Ciara sa sarili.
"Sandali nga, pumayag ka ng makipagdate sa kanya? So gusto mo na siya?" tanong ni Lira.
"Well, he's nice", sagot ni Ciara.
"Ah, nice na?" may himig pang-aasar si Lira.
"Ayaw ninyo ba sa kanya?" tanong ni Ciara.
"No. I mean, dont get me wrong, alam mo Ciara, basta masaya ka, masaya din kami, diba Jopay?"
Nilunok muna ni Jopay ang kinakain bago sumagot.
"Corrected by!" sagot ni Jopay ngunit bigla itong humikbi. "Kahit masakit", dugtong pa nito.
"Hoy bakla, itigil mo nga yang pag-iinarte mo, ibubuhos ko sayo tong juice", banta ni Lira.
"Joke lang. Di pa din sanay?" sabi ni Jopay.
Napatawa na lang sina Lira at Ciara.
**
YOU ARE READING
No Strings Attached (Tagalog)
Romance3 Rules of Relationship Without Commitment: (1) bawal mag-expect. (2) bawal magselos. (3) bawal ma-inlove. Ikaw? Naranasan mo na ba yan? Eh paano kung ma-inlove ka? Masasabi mo bang talo ka?
