"Kinababaliwan? Kayong dalawa ang baliw!" sabi ni Ciara.
Natigil ang pagtatawanan nila ng tumabi sa upuan niya si Ram. Umupo na sa kanilang mga sariling upuan sina Jopay at Lira.
"Di ka man lang nagreply kagabi?"
"Huh?" pagtataka ni Ciara.
"Nagtxt ako sayo kagabi."
Nag-isip si Ciara.
"Ah. Ikaw ba yun? Hindi ko kasi alam."
"Ganun? Hindi ka man lang interesadong malaman kung sinong nagtxt sayo?"
"Eh dapat kasi nagpakilala ka", sagot ni Ciara. "Ah, Ram, yung tungkol sa panliligaw?" pag-aalangang tanong niya.
"Seryoso ako tungkol doon."
"I mean--", naisip ni Ciara na wala din namang silbi kung itatanong niya kay Ram kung bakit kumakalat na kaagad ito sa campus, dahil normal lang naman ito kaya hindi na lang niya itinuloy ang pagtatanong.
"I'll court you and i'll do everything to prove to you na karapat dapat ako para sayo."
"Bakit ako?" tanong ni Ciara.
"Bakit hindi??" sagot ni Ram ng nakangiti.
Umiwas ng tingin si Ciara.
"Ayan na naman. Ngumingiti na naman siya. Haist. Nakakainis. Why so charming?" sabi ni Ciara sa sarili.
*
Lunch Break.
Pagkatapos mag lunch ay nagpaalam si Ciara sa dalawang kaibigan na pupunta lang siya saglit sa faculty.
"Ciara, can we talk?" hinarang siya ni Miko habang naglalakad.
"How many times do i have to tell you na wala na tayong dapat pag-usapan", sagot niya.
"Dahil ba may bago ka na?"
"Hindi ko alam ang sinasabi mo."
Hinawakan ni Miko si Ciara sa braso.
"Wag ka nang magkaila Ciara. Sino bang ipinagmamalaki mo? Yung lalaking palaging naghahatid sayo?"
Humihigpit ang paghawak ni Miko sa braso niya.
"Ano ba Miko, bitiwan mo nga ako! Nasasaktan ako!" galit na sabi ni Ciara.
Nagpupumiglas siya.
"Bitiwan mo siya!"
Nagulat siya ng may marinig siyang nagsalita mula sa likod niya.
-------------------------------
follow me on twitter : @fruty_fruth
tumblr: may-amnesia-ako-minsan.tumblr.com
just msg me and i'll follow u back :)
YOU ARE READING
No Strings Attached (Tagalog)
Romance3 Rules of Relationship Without Commitment: (1) bawal mag-expect. (2) bawal magselos. (3) bawal ma-inlove. Ikaw? Naranasan mo na ba yan? Eh paano kung ma-inlove ka? Masasabi mo bang talo ka?
