Chapter 18 (c)

18.1K 98 5
                                        

"Bakit?"

"Nakalimutan kong isoli kay Ram ang ballpen niya. Pinahiram niya kasi ako."

"Uy! Close na sila", pangaasar ni Lira.

"Hindi ah!"

"Akala ko ba bwisit na bwisit ka sa lalaking yun?"

"Oo nga. Siya naman ang unang kumausap saken, tapos nagsorry siya, ayun in-offer niya yung ballpen niya."

"Nag sorry siya sayo??!" tanong ni Jopay.

"Oo nga diba? Kakasabi lang eh. May pagkabingi talaga", sabi ni Lira.

"O? Tapos?" tanong ni Jopay.

"Anong tapos? Ayun, tapos na. Tinanggap ko yung sorry niya. Infairness mabait naman siya kanina."

Tumunog ang cellphone ni Jopay.

Binasa ang text.

"Naku, si mudra, inuutusan akong bumili ng gamot. Siya, paano? Fly na ako", paalam ni Jopay.

"Ikaw Ciara, hindi ka ba sasabay? Kailangan ko na din kasing umuwi", sabi ni Lira.

"Sige, mauna na kayo, susunduin daw kasi ako ni Ate."

"O sige. Bye", at umalis na ang dalawa.

After 20 mins.

"Ang tagal naman ni Ate, hindi pa magreply. Haist. Nakakainis", sabi niya sa sarili.

"Ciara?"

Lumingon si Ciara at nakita niya si Ram.

"Bakit andito ka pa? Asan na ang mga friends mo?"

"Umalis na sila."

"Ganun ba? Gusto mo sumabay ka na saken. Hatid na kita. San ka ba nakatira?"

Sinabi ni Ciara ang lugar.

"On the way naman pala. Tara", yaya ni Ram.

Napansin ni Ciara na halos janitor na lang ang tao sa campus.

"No, thanks. I'll be fine. Hinihintay ko lang ang ate ko."

Nang biglang tumunog ang cp niya.

From: Ate

[Cia, di na kita masusundo. Gagabihin ako. Ang traffic pa. Sorry. Ngayon lang nagkasignal. Ingat.]

"Ok. Sigurado ka?" tanong ni Ram.

"Haist. Nakakainis naman si Ate. Dapat pala sumabay na ako kina Jopay", bulong niya.

"Hindi ka talaga sasabay? Sige, aalis na ako", paalam ni Ram.

Tumalikod na ito at naglakad.

"Sandali!" habol ni Ciara.

Tumigil naman sa paglalakad si Ram.

...itutuloy :)

No Strings Attached (Tagalog)Where stories live. Discover now