Chapter 26 (c)

15.1K 89 25
                                        

**

Pagkatapos ng klase ay nakita ni Ciara si Ram sa may pintuan ng room. Nakatayo. Hinihintay siya. Habang inaayos niya ang kanyang mga gamit.

"Oh well, your Prince Charming is waiting for you", puna ni Lira.

"Hindi ka na naman namin makakasabay", malungkot na sabi ni Jopay.

"Pati ako", sagot

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Jopay.

"Ihahatid ako ni Gab", sagot ni Lira.

Tuluyan ng lumungkot ang mukha ni Jopay.

"Magboyfriend ka na kasi", sabi ni Ciara.

Nang makalabas ng pinto ay kinuha ni Ram ang mga bitbit niyang libro.

"Let's go?" si Ram.

Tumango si Ciara at ngumiti.

"Ah, wait. Ram, pwede ba nating isabay si Jopay pauwi?" tanong ni Ciara.

"Sure. Why not." sagot ni Ram.

Narinig ito ni Jopay.

"Naku, hindi na. Ok lang naman ako. Makakaabala pa ako. Wag na. Naalala ko may dadaanan pa nga pala ako", sagot ni Jopay.

Ciara's not sure if he was telling the truth.

"Sigurado ka?" tanong ni Ciara.

"Oo naman. Kaya ko sarili ko noh, ako pa!" matapang na sabi ni Jopay.

"Sige. Sabi mo yan ha. Ingat ka."

**

Sumakay na sina Ram at Ciara sa kotse.

"You're very lucky to have such wonderful friends", sabi ni Ram habang nagmamaneho.

"Yah. Im really grateful to have them", sagot ni Ciara at ngumiti. "Ram, where are we going?" tanong ni Ciara ng mapansing hindi direksyon pauwi sa kanila ang daang tinatahak nila.

Ngumiti si Ram.

"You'll see."

---------------------------------------------------------------------------

Are you a Team Ram? Or Team Miko?

Saan nga ba dadalhin ni Ram si Ciara? Any guess? Leave a comment. Baka tama hula ninyo. Just for fun.hehehe

Vote if you liked. xD

No Strings Attached (Tagalog)Where stories live. Discover now