Chapter 3

29.1K 178 3
                                        

Ipinarada ni Ciara ang kotse. Kinuha niya ang kanyang mga gamit.

Dahil katanghaliang tapat nang siya ay dumating, isinuot niya ang kanyang shades.

Itinext si Lira na dumating na siya.

*

"Dadating ba si Ciara?" tanong ni Gail.

"Oo, dadating un. Hindi pwedeng hindi. Katext ko pa nga siya kaninang umaga," sagot ni Lira.

Naghahanda n ang mga kaibigan niya ng lunch. Ang iba ay nag-aayos ng lamesa sa cottage na npili nila.

Ang iba naman ay nag-iihaw at nagluluto ng iba pa nilang pang-ulam.

Nagtitimpla ng juice si Lira ng makarecived siya ng text mula kay Ciara.

"O, saan ka pupunta?" tanong ni Gail kay Lira ng mapansin niyang paalis ito at nakangiti.

"Andyan ba ang asawa mo?"

"Hindi. Kakaunin ko lang sa labas si Ciara," sagot nito at tuluyang umalis.

"Sino daw?" yun ang salitang narinig ni Lira mula sa iba pa niyang mga classmates habang palayo siya sa cottage.

*

Hindi naman matagal na naghintay sa labas si Ciara. Pinili niyang magpasundo kay Lira sapagkat gusto niya muna itong makausap. Agad naman niya itong nakita na sasalubungin siya.

"OMG! Ciara! Mas lalo kang gumanda ngayon. At parang mas sumeksi ka!" sabi ni Lira habang tinitingnan siya nito.

"Parang wala ka pang anak ah," biro pa nito.

Ngumiti naman si Ciara.

"Salamat," sagot niya.

"Oo, andyan siya," sabi ni Lira ng mapansin nito sa mga mata niya parang may gusto siyang itanong. "Pero hindi pa niya alam na dadating ka, pero sa mga oras na ito sigurado kong alam na niya na dumating ka na," dagdag nito.

Sigurado si Lira na nasabi na ng mga former classmates niya kay Ram na dumating na siya.

"Halika na sa loob, at mainit", yaya sa kanya ni Lira.

Nagpatiuna na si Lira sa pagpasok sa loob.

No Strings Attached (Tagalog)Where stories live. Discover now