Chapter 9

23K 151 5
                                        

"Akala ko kasama natin si Ram", sabi ni Troy habang inaayos nilang mga lalaki ang mesa para maginuman.

"Ha?" nagtatakang tanong ni Toper pero biglang iminustra ni Troy ang pagzi-zip ng bibig at nagets na ito ni Toper. "Ah, oo nga. Asan na kaya si Ram?"

"Ano bang pinagsasasabi nyo dyang dalawa?"tanong ni Ram.

"Ayun! Aba, andito ka pala. Ngayon ka lang kasi nagsalita", sabi ni Toper.

"Oo nga, napansin ko natameme ka mula ng dumating si Ciara. Uyy!" pangaasar naman ni Troy.

"Tigilan nyo nga akong dalawa. Pati si Ciara, dinadamay nyo sa kalokohan nyo", saway ni Ram sa mga ito.

"Eh totoo naman ah."

"Bakit kaya umalis bigla si Ciara? Baka makikipagkita sa boyfriend", sabi ni Troy.

"Wala nga daw boyfriend diba?" sabi naman ni Toper.

Pinakikinggan lang ni Ram ang pagtatalo ng dalawa.

"Maniwala ka don? Sa ganda nyang yon, wala siyang bf?"

"Eh malay natin, baka nga nadalà na kay Ram", at tumingin ang dalawa kay Ram.

"Saken? Bakit saken?", pagtatakang tanong niya.

"O di sige ako na", sabi ni Troy. "Ako na ang ex, ako na ang nanakit, ako na ang--"

"Troy, watch your words", banta ni Ram.

"Diba sinaktan mo siya?" tanong ni Troy.

Tiningnan ng masama ni Ram si Troy.

"Wala kang alam!" sigaw ni Ram.

"Chill, relax lang", awat ni Toper.

Nagpanting ang tenga ni Ram sa narinig. Maaaring close friend niya si Troy pero hindi sapat ang mga nalalaman nito sa nakaraan niya at nakaraan nila ni Ciara.

----------------------------------------

To my readers,

Pasensya na po kung maiiksi ang mga Chapters, hindi po kasi kaya sa phone ko ang magpost ng mahahaba.

Sincerely, Me

Type type na ulet for update :)

No Strings Attached (Tagalog)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang