"Bakit?" tanong ni Ram.
"Ahm.. Ano kasi.. Ok lang ba talagang sumabay sayo? Si Ate kasi.." pag-aalangan ni Ciara.
"Oo naman, alam ko hindi pa tayo ganoong magkakilala, pero dont worry, you're safe with me."
Napangiti si Ciara.
"Wala naman akong sinabi ah. Halika na nga."
Naglakad na sila patungo sa kotse.
Pinagbuksan siya ng pinto ni Ram.
Papasok na si Ram sa passenger's seat nang may nakita siyang lalaki na nakatingin sa kanila. Hindi naman niya ito pinansin, at pinaandar na ang kotse.
Napatingin siya kay Ciara at nakita niya itong may hinahanap sa bag.
"Eto nga pala yung ballpen mo. Thank you ulet."
"Sayo na yan", sabi ni Ram.
"Pero--"
"Baka kaylanganin mo ulet, at least may extra ballpen ka na."
Nakatingin lang si Ciara kay Ram.
"Just keep it. Okay?" sabi ni Ram.
Tumingin siya kay Ciara at ngumiti.
"Okay."
"Ano ba yan? Nakaka-hypnotize naman ang ngiti ng lalaking to", sabi ni Ciara sa sarili.
Pagkalipas ng ilang minuto ay napansin niyang malapit na siya sa kanila.
"Ah Ram, dyan na lang sa tabi."
Itinabi naman ni Ram ang kotse. Pinagbuksan niya ito ng pintuan at inalalayan sa pagbaba.
"Thanks for the ride. Pasensya ka na kung nakaabala pa ako sayo", sabi ni Ciara.
"No. That's fine. Anytime. Sige alis na ako ha", paalam ni Ram.
"Salamat ulit."
Umalis na si Ram at pumasok na sa loob ng bahay si Ciara.
"Ma, andito na po ako."
Lumabas mula sa kusina ang mama niya.
"O? Asan ang Ate mo?" tanong ng Mama niya.
"Hindi ko po siya kasabay. Gagabihin daw po siya kaya di na niya ako nasundo."
"Nagbyahe ka?"
"Hindi po. Isinabay po ako ng kaklase ko. Inihatid niya po ako dito."
YOU ARE READING
No Strings Attached (Tagalog)
Romance3 Rules of Relationship Without Commitment: (1) bawal mag-expect. (2) bawal magselos. (3) bawal ma-inlove. Ikaw? Naranasan mo na ba yan? Eh paano kung ma-inlove ka? Masasabi mo bang talo ka?
