Chapter 24 (a)

16K 78 7
                                        

I dedicate this Chapter to CHRISTINEDANIELLE. mamatz sa compli. nakakainspire naman. :))

--------------------------------

Chapter 24 (a)

Pagkatapos nilang maupo ay lumapit ang isang waiter sa kanila. At ibinigay ang menu. Matapos makapili.

"Ciara, anong gusto mong kainin?" tanong ni Ram.

"Ikaw na bahala", nakangiting sagot niya.

First time niyang kumain sa restaurant na yon kaya hinayaan na lang niyang si Ram na lang ang pumili tutal mukhang alam na nito ang specialty dito.

"Prawn Risotto with rocket pesto and parmesan, and Grilled chicken salad with lemon thyme dressing. And for dessert, Vanilla ice cream, and traditional creme brulee with fresh vanilla beans", order ni Ram. "May gusto kang idagdag Ciara?" tanong Ram.

"Ok na yun."

"How about your drinks sir?" tanong ng waiter.

"Ciara?"

"Mango juice na lang", sagot ni Ciara.

"2 mango juice and water."

Umalis na ang waiter matapos makuha ang kanilang order.

"Bakit ka nagtransfer ng school? Diba maganda naman yung school mo dati?" tanong ni Ciara.

"Si Daddy kasi, gusto niyang dito na lang kami magstay. Sa lugar na ito siya lumaki. Noong una nalungkot ako kasi madami din akong friends na naiwan doon pero masaya na na ako ngayon", at ngumiti ito.

"Bakit naman?"

"Because I met you."

^___^

Dumating naman ang order nila.

Nagsimula na silang kumain.

"Hmmm. The food is great", puri ni Ciara sa pagkain.

"I know you'll love the food here. They have the best chefs in town."

''Yah right, at sigurado din ako mahal dito'', sabi ni Ciara sa sarili.

"Ang cool ng ate mo, tsaka mukhang close na close kayo. Nakakwentuhan ko siya ng konti nung nagbibihis ka. I think she's nice at hindi suplada", pag-iiba ng topic ni Ram.

No Strings Attached (Tagalog)Where stories live. Discover now