Chapter 5

26.4K 190 8
                                        

Alam ni Ram sa sarili niya na magkahalong kaba at excitement ang naramdaman niya ng makita niya si Ciara. Natatakot siya dahil baka galit pa din ito sa kanya pero excited pa din siyang makita ito. Nagdadalwang isip nga siya kung babatiin niya ito, pero wala naman sigurong mawawala kaya kinamusta na niya ito at katulad ng inaasahan, it was awkward.

*

"Salamat", sabi ni Ciara kay Lira pagkapasok nila sa kwarto.

"Wala yun. Alam ko namang masyado ng awkward ang sitwasyon sa inyong dalawa ni Ram", sagot ni Lira.

Walang tao sa kanilang nirentahang kwarto ng pumasok sila dahil nga busy ang mga ito sa pagluluto.

"Nga pala kamusta naman ang gwapo kong inaanak?" tukoy ni Lira kay Cael.

"Mabuti naman. Ayun, iniwan ko muna kay Tita Ditas. Hindi ko naman kasi pwedeng isama dito eh."

"Bakit naman hindi? Eh si Amy nga kita mo naman bitbit bitbit yung dalawa niyang anak--"

"Lira..."

"Ay, oo nga pala. Hindi nga pala alam ni Ram. Nitong mga nakaraang araw, nagiging makakalimutin talaga ako."

Ngumiti si Ciara.

"Lukaret ka talaga. Halika na nga, labas na tayo," yaya niya.

"Oo nga. Kumain na lang muna tayo."

Paglabas ng kwarto ay nahuli agad ng mga mata niya si Ram. At nahuli naman ng mga mata ni Lira ang asawang si Gab. Dumating na pala ito.

"Mabuti naman at lumabas na ang dalawang mag-bestfriend. Tara, kain na tayo", yaya ni Toper.

Habang kumakain ay masayang nagkkwentuhan ang mga dating magkakaklase.

"Akalain ninyo nga naman na itong sina Lira at Gab ang nagkatuluyan no? Samantalang noong highschool tayo eh parang aso't pusa yang dalawang yan", sabi ni Jed.

"Oo nga, natatandaan ko pa nga dati, kapag may exam,ang ingay ng dalawang yan", sabi naman ni Jed.

"Eh pano eto kasing si Lira, hindi muna ako patapusin sa pagsasagot bago ko ipatulad sa kanya ang papel ko", banat ni Gab.

Binatukan siya ni Lira.

"Hah! Ang kapal ha. At talagang binaliktad mo pa ang pangyayari. Ikaw kaya ang palaging nangongopya saken", sagot ni Lira.

Nagkatawanan sila.

"Mabuti na lang saken nagmana ang mga anak natin"

No Strings Attached (Tagalog)Where stories live. Discover now