Hindi naman sumasagot si Ciara.
"Uy, tapos??" nangulet na din si Jopay.
Sinundan naman nina Lira at Jopay ang tinitingnan ni Ciara.
"Hay. Ok. Mamaya ha, sa lunch. May utang kang kwento", bulong ni Jopay.
Nagpunta na ang dalawa sa upuan nila. Nakita kasi nila na padating na si Ram kaya din napatigil si Ciara sa pagkekwento.
Umupo na sa tabi niya si Ram. Ngumiti sa kanya at ngumiti din siya. Kasunod na pala ni Ram ang teacher nila. Nagklase na ito.
*Lunch Break*
"Tara na sa canteen", yaya ni Jopay. "Dali at excited na ako sa kwento mo!"
Hinila na nito si Ciara palabas ng classroom.
"Ciara!" tawag ni Ram nang makalabas ng pinto.
Lumingon naman si Ciara. Tiningnan si Ram. Yung tingin na nagtatanong kung bakit?
"May nahulog sayo", sabi ni Ram.
Nagtaka si Ciara. Tumingin siya sa baba. Nang walang makita ay tumingin siya ulit kay Ram.
"Ano?" tanong niya.
"Ako."
^___^
"Uyy!" bulong nina Lira at Jopay.
to be continued...
--------------------------------
Sorry po, late update. Please vote and comment. Salamat po.
Ansaaveeehhh nyo??? Nag-emote si Ciara! :D
YOU ARE READING
No Strings Attached (Tagalog)
Romance3 Rules of Relationship Without Commitment: (1) bawal mag-expect. (2) bawal magselos. (3) bawal ma-inlove. Ikaw? Naranasan mo na ba yan? Eh paano kung ma-inlove ka? Masasabi mo bang talo ka?
