Chapter 23 (c)

15.8K 64 3
                                        

Hindi na niya ichinarge ang cp niya. Para sa kanya, tama na ang isang beses na panloloko. Isang malaking katangahan kung magpapaloko ulit siya. Hanggang sa hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya.

Naramdaman na lang niya na parang may yumuyugyog sa balikat niya.

"Ano ba?" singhal niya habang nakapikit pa.

"Ciara may bisita ka", sabi ng ate niya.

"Inaantok pa ako."

"Inaantok? E mas nauna ka ngang natulog saken kagabi? Huy! Bumangon ka na. May gwapo kang bisita sa baba."

''Gwapo? Si Miko andito? Aba ang gagong yun, sineryoso ang sinabi kagabi'', sabi niya sa sarili. ''Pero, kilala ng ate si Miko, e di sana dapat sinabi niya, uy! Ciara ang gago mong ex nasa baba. Gago tawag nun dun e. Eh teka, sino yun?''

Kailangan niyang malaman kaya agad siyang bumangon at inayos ang sarili.

Tiningnan niya ang oras. 11 am na.

''Ganun kahaba ang tulog ko??!! What the!''

"Manliligaw mo ba yun? Ang gwapo." tanong ng ate niya. Parang kinilig ito bigla.

Sumilip siya mula sa pinto. Kita naman kasi ang sala nila mula sa kwarto niya.

,O__O

Nagulat siya.

"Si Ram??!"

"Sabi niya classmates daw kayo. Bakit parang ngayon ko lang siya nakita? Kapag pumupunta ako sa school nyo dati, di ko naman siya nakikita", sabi ng ate niya habang nakasilip ito sa pintuan.

"Transferee kasi siya. Tabi nga dyan ate. Kanina pa ba siya? Asan si Mama?" at lumabas na siya ng kwarto. Kasunod niya ang ate niya.

"Umalis si Mama. Uy! Ayaw pag-intayin. Crush mo yan noh?" bulong ng ate niya.

No Strings Attached (Tagalog)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora