The long wait is over!
Enjoy!! :)
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
CHAPTER 27 - CIARA'S POV
Saan nga ba kami pupunta ni Ram? Magde-date ba kami ngayon?
Napakadaming eskenita ang pinasukan namin at sa wakas, tumigil kami sa isang maliit na shop. Siguro dito na.
"We're here." sabi ni Ram.
Bumaba ako ng kotse. Iginala ko ang mga mata ko. Paanong ngayon ko lang nakita ang shop na ito?
"Let's go", yaya ni Ram.
Pumasok kami sa loob. Nakita ko ang mga bote na laman ang iba't ibang klase ng candy. So this is a candy shop? Paglingon ko sa kabilang side, puro naman chocolates, iba't ibang shapes. Hinahanap ko si Willy Wonka. Para lang kasing Charlie and the Chocolate Factory eh, pero ang nakita ko ay isang matabang babae sa counter.
"Good afternoon", nakangiting bati sa amin ng matabang babae.
Tumingin siya kay Ram. Pagkatapos ay may kinuhang box.
"What a lovely couple! Here you go", at iniabot niya ang box kay Ram.
Ibinigay naman sa akin ni Ram ang box.
"I hope you like it", sabi ni Ram sa akin.
Binuksan ko yung box. Ang daming chocolates.
"Thank you. How did you know this place?" tanong ko sa kanya.
"Yung isa kong friend, sinabi niya sa akin itong lugar na 'to. Nanggaling na ako kaninang umaga dito at ipinareserve ko na yan", sabi niya.
Kaya pala basta na lang iniabot sa kanya nung babae yung box.
Grabe, ang sweet niya talaga. Pwede naman niyang ibigay na lang ito sa akin sa kotse pero isinama niya pa talaga ako sa mismong shop. I love this place.
"Dinala kita dito para makita mo itong lugar na 'to at mukhang first time mo nga?" sabi ni Ram.
I keep on looking at the place. I still can't believe na napapaligiran ako ngayon ng candies at chocolates.
"This is so beautiful!" sabi ko.
Lumapit sa akin si Ram at kinuha ang kamay ko. May inilagay siya doon. Pagtingin ko, chocolate pa rin, pero maliit lang siya, isa lang ang laman.
"Yan ang pinaka espesyal na chocolate dito. Maliit nga lang yan pero kakaiba ang lasa, naiiba sa lahat. Parang ikaw, naiiba, cause you're one of a kind at nag-iisa ka lang.. dito", at itinuro niya ang bandang kaliwang dibdib niya.
YOU ARE READING
No Strings Attached (Tagalog)
Romance3 Rules of Relationship Without Commitment: (1) bawal mag-expect. (2) bawal magselos. (3) bawal ma-inlove. Ikaw? Naranasan mo na ba yan? Eh paano kung ma-inlove ka? Masasabi mo bang talo ka?
