Chapter 21 (a)

17.2K 86 2
                                        

*

Naiwan si Miko sa may pintuan ng classroom ni Ciara. Nilapitan ito ni Wesley.

"Pare, mukhang naagaw na sayo si Ciara", sabi ni Wesley.

Nakasunod pa din ang tingin ni Miko kina Ciara at Ram.

"Sino ba yung mokong na yon? Hindi ito ang unang beses na inihatid niya si Ciara."

"Ewan ko. Baka bago dito. Ngayon ko lang nakita pagmumukha niyan e", sagot ni Wesley.

Narinig na lang nilang dalawa na nag-uusap-usap ang mga classmates ni Ciara na papalabas ng pinto.

"Uy, si Miko o!" bulong ng isa.

"Diba ex yan ni Ciara? Sayang no? Ang cute kaya niya."

Cute nga si Miko, chinito ito. Madami din ang nagkakacrush dito.

"Speaking of Ciara, ang haba talaga ng hair niya noh? Imagine, totoo pala yung sinabi ni Ram sa kanya na liligawan niya ito?"

"Ha? Ano yun? Kelan?"

"Ay naku, absent ka ata nun, nilapitan ni Ram si Ciara tapos tinanong niya kung pwede manligaw, sabi ni Ciara hindi daw, but look, kasama niya si Ram at ihahatid siya pauwi."

Pagkarinig ay tiim ang bagang na naglakad na palayo si Miko.

*

Pagkakain ni Ciara ng hapunan ay maPy nareceive siyang text. Unregistered number ito. Binasa niya.

[Good eve. Dont skip your meal :) ]

Nagtaka siya. Pero hindi niya ito nireplyan dahil hindi naman siya interesado sa mga nagtetxt sa kanya na hindi niya kilala.

*

Pagkadating sa bahay ni Ram ay itinext niya agad si Toper at itinanong ang no. ni Ciara. At matapos mareceive ay itinext niya agad ito. Pero ilang minuto na ang lumilipas ay wala pa rin siyang reply na natatanggap. Reply na kahit man lang magtatanong kung sino siya.

No Strings Attached (Tagalog)Where stories live. Discover now