Chapter 2

32.6K 189 0
                                        

Nilapitan niya si Cael na nanonood ng t.v. sa sala.

"Baby, dito ka muna kay Tita Ditas ha, aalis lang si mommy, pero babalik din ako mamaya," paalam niya dito.

"Mommy, sama po ako", sabi ni Cael.

"Baby, hindi pwede. Babalik naman agad si Mommy", paliwanag niya.

"Akala ko usapan niyo na ng mga kaibigan niyo na doon ka matutulog?" tanong ng Tita Ditas niya.

Inayos na niya ang mga gamit niya.

"Hindi na po Tita, baka po kasi hanapin agad ako nitong si Cael."

Matapos yakapin at halikan ang anak niya ay kinuha na niya ang bag niya at nagpaalam sa Tita Ditas niya. Sumakay na siya ng kotse niya.

Kung tutuusin ay malapit lang naman ang beach na pagdadausan nila ng reunion nila sa bahay ng Tita niya. Twenty five minutes lang ang byahe. Kaya kapag nagkataon na hanapi agad siya ni Cael ay madali siyang makakauwi, kaya hindi na lang niya isinama ang bata.

Ilang beses na rin siyang nakapunta sa beach na iyon. Kapag meron silang family reunion ay doon nila iyon ginaganap.

Maganda ang beach na iyon. Dinarayo din iyon ng mga turista. White sand at magaganda at komportable ang mga kwarto. Mayroon din itong cottages.

No Strings Attached (Tagalog)Where stories live. Discover now