"Oo, sang-ayon ako dyan", sabi ni Miko. Kita mo na, tama ako, mas magaling kasi ako sayo.
"Kaya nga kapag may iwan man ako dito, sinisigurado ko na hindi nila ako kakalimutan, at pagbalik ko, sabik sila na makita ulit ako", sabi pa niya.
Gago to ah! Anong gusto niyang palabasin? Na iniwan ko si Ciara at ngayon ay kinalimutan na ako nito?
>.<
Alam kong ramdam na ng tatlo ang tensyon sa pagitan naming dalawa. Walang nagsasalita.
"O? Galit galit muna! Andyan na ang foods!" banat ni Jopay.
"Hay, buti naman. I'm starving na talaga!" sabi ni Arianne.
Yang si Miko na yan. Hindi pa kami tapos!
**
[Ariannes's POV]
Hindi naman siguro magsusuntukan itong dalawang ito sa harap namin at sa loob ng restau na to?
Naiinis ako!
Alam ko naman kung ano or should I say sinong tinutukoy nila. Bakit ba baliw na baliw sila sa babaeng yan?! Eh di hamak na mas malakas naman ang appeal ko sa kanya! Mas maganda pa ako though namayat lang ako ng konti but that only means na mas sumeksi ako.
YOU ARE READING
No Strings Attached (Tagalog)
Romance3 Rules of Relationship Without Commitment: (1) bawal mag-expect. (2) bawal magselos. (3) bawal ma-inlove. Ikaw? Naranasan mo na ba yan? Eh paano kung ma-inlove ka? Masasabi mo bang talo ka?
Chapter 41
Start from the beginning
