Concern pa talaga siya kung nakapaglunch na si Ciara. Ako dapat ang gumagawa nun eh! Asar talaga! Pero wala. Napipipi ako.
Wake up Ram!
Next thing I know, nakabalik na si Jopay at nangunguna na kaming maglakad ni Arianne. Gustong gusto kong lumingon sa likod para makita si Ciara, pati na rin kung anong ginagawa ni Miko sa kanya. Hinahawakan ba nito ang kamay niya?
Damn!
I hate this situation! Sinasadya ba to ni Arianne? Pwede naman kaming kumain ng hindi kasama ang mga to kung nagugutom na siya. Bakit kailangan pa niyang gawin to? Ginagawa ko naman ang gusto niya!
Hinayaan ko silang apat na umorder. Wala talaga ako sa mood. Sino ba naman ang gaganahang kumain na ganito?
"Ahahaha. Totoo ang sinabi mo. Dapat nga pupunta kami ni Ram sa Korea noong July pero ayaw ni Daddy, diba Ram?" sabi sa akin ni Arianne.
Kailangan ba talagang buksan ang ganung topic? Hindi ako nagsalita. I looked at Ciara pero umiwas siya ng tingin sa akin.
"Ewan ko nga ba kay Daddy, baka daw mapagod ako, eh ang lakas lakas ko naman. Palibhasa kasi alam niya na wala akong ibang gagawin kundi magshopping ng magshopping kapag pumunta ako doon", kwento pa ni Arianne.
"Oo, ang dami ngang magagandang bilihin don kaya naman bumili kaagad ako ng pasalubong para kina Jopay at Ciara", sagot naman nung si Miko na yun. Epal siya. "Ganun kasi ako, kapag umaalis ako, I always make sure na may pasalubong ako sa mga kaibigan ko pagbalik ko, para na rin matuwa sila", dagdag pa ni epal.
"Hindi din", singit ko. "Minsan, hindi naman importante ang pasalubong, ang mahalaga eh yung babalik ka at babalikan mo ang mga taong naiwan mo", sagot ko at sumulyap ako kay Ciara. Tinapunan niya ako ng tingin pero nagbawi din siya kaagad.
YOU ARE READING
No Strings Attached (Tagalog)
Romance3 Rules of Relationship Without Commitment: (1) bawal mag-expect. (2) bawal magselos. (3) bawal ma-inlove. Ikaw? Naranasan mo na ba yan? Eh paano kung ma-inlove ka? Masasabi mo bang talo ka?
Chapter 41
Start from the beginning
