Kaninang umaga pinuntahan kaagad ako ni Arianne sa bahay, mag-eenrol daw kami this 2nd sem.
Sa totoo lang wala pa ako sa mood magenroll, si Ciara lang ang laman ng utak ko. Bakit kinakausap niya ang Miko na yun nung sunduin ko siya? Nang iwan ko siya noong highschool akala ko galit siya doon pero ngayon magkaklase na sila??!
Ganon ba ako katagal nawala at madami na tuloy nagbago? Hindi ako papayag na mabawi siya ni Miko, pero alam kong komplikado ang sitwasyon namin ngayon. Ah! Bahala na.
"Cmon Ram, ngayon na tayo mag-enroll", pamimilit ni Arianne. "Sasama ang loob ko kapag di ka pumayag", dagdag pa niya. Kinonsensya pa ako.
Si Ciara kaya? Nakapagenroll na kaya siya? Eh kung sabay kaya kami? Pero andito na si Arianne eh at nagyayaya pa.
>//<
Dala niya ang kotse niya pagpunta sa bahay. Even if she's sick she still able to drive pero ako na ang nagdrive papunta sa school.
Nakahawak siya sa braso ko. Hindi ko naman maalis, although hindi ako komportable, baka kasi magalit siya. Hinihila niya ako sa kung saan at pagtingin ko papalapit na kami kina Ciara at Jopay.
"Hi!" bati ni Arianne sa dalawa. "Do you mind? Wala na kasing bakante", dagdag pa niya at umupo na din kami.
"Late ka!" nagulat ako, biglang sumigaw si Jopay.
"Sorry naman. May binalikan pa kasi ako", pag-angat ko ng tingin, si Miko na naman.
At close na sila ni Jopay ngayon huh?!
>//<
YOU ARE READING
No Strings Attached (Tagalog)
Romance3 Rules of Relationship Without Commitment: (1) bawal mag-expect. (2) bawal magselos. (3) bawal ma-inlove. Ikaw? Naranasan mo na ba yan? Eh paano kung ma-inlove ka? Masasabi mo bang talo ka?
Chapter 41
Start from the beginning
