Epilogue

277 11 4
                                    

Someone's POV

"Ha? Wala akong sinasabi sa kanya pero nandito ka na rin lang ay akin na." Sambit ni Mrs. Vina ng nadatnan nito si Jezka sa loob ng kanyang office. Naisip tuloy ni Jezka na nagsinungaling si Edrian para lang mapa alis siya roon sa dorm nito. Tapos na rin naman ang klase kung kaya't nakakapasok na ang mga babae sa dorm ng lalake.

Wala na kasi sina Aly at Alyx kung kaya't pinuntahan ni Jezka si Edrian para guluhin dahil sa wala itong kasama.

"Sige po, mauuna na ako." Nakangiting tugon ni Jezka after niyang maibigay ang mga clearances.

Aalis na sana ito ng bigla niyang makasalubong si Brix na papasok sa offfice. Tumigil ito saglit at napatingin kay Mrs. Vina ng magsalita ito.

"Oh? Mr. Ford? Ano naman ginagawa mo rito?" Nagtataka ring tanong nito.

"May pinapamigay po si papa." Nakangiting sambit ni Brix at lumapit kay Mrs. Vina na parang di nakita si Jezka sa kanyang harapan. Nang mawala ang gulat sa katawan ni Jezka ay naglakad na rin ito palabas. Sinasanay na niya ang kanyang sarili na ituring si Mr. Ford na parang isang stranger. Hindi siya galit, sadyang gusto lang niyang mawala na ang nararamdaman niya para rito.

"Hey, wait!" Kaso mapagbiro ang tadhana.

Tumigil si Jezka at lumingon. Nilapitan siya ni Brix na kalalabas lang ng office.

"Naiwan mo raw." Sambit nito at iniabot ang panyo nito. Nahihiyang kinuha iyon ni Jezka. Maya't maya ay nilagpasan na siya ni Brix. Pero bago pa man makalayo ay-

"If some time, we met unexpectedly again. Can we be friends?" Tanong ni Brix. Akala ni Jezka, naka alis na si Brix pero hindi pa pala. Gusto niyang lumingon sa kanyang likuran subalit alam niyang pag ginawa niya iyon, mas mahihirapan lang itong mag move on.

"Yeah. If we met." Sagot ni Jezka.

"Be my tutor again? Kidding." Natatawang sambit pa ni Brix ng hindi lumilingon kagaya ni Jezka. Brix is trying to hold back his feelings for Jezka at itinutuon na ang lahat ng kanyang atensyon kay Thea.

"Basta may scholarship ulit." Jezka replied back which made them laugh.

"By the way, thank you for everything Ms. Valencia. Until next time." Tugon muli ni Brix at nagsimula ng maglakad.

"Likewise." Mahinang sambit ni Jezka. She let out a deep sigh at naglakad na rin paalis roon.

--

Dalawang taong pinagtagpo.

Pinagtagpo pero sadyang mabiro ang tadhana.

Di binigyan ng pagkakataong magmahalan.

They separate ways.

Subalit hindi nila alam,

sa paglipas ng panahon

sila ay muling magtatagpo

sa ibang lugar

sa ibang dahilan.

Who knows,

If they really meant for each other?

Di ba?

Wait for the perfect moment.

--

END! :)

Thank you for reading. :>

Tutoring Mr. FUTURE CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon