Chapter Fourteen

171 4 0
                                    

Jezka's POV

Saturday.

Sabay kaming kumain ni Aly ng breakfast sa cafeteria. Niyayaya niya akong pumunta ng mall pero sinabi kong nagtitipid ako. Kung sanang mayaman lang siguro ako ay kahit tumambay na ako sa mga malls.

"Sasali ka sa foundation?" Aly asked out of nowhere.

"Di ko pa alam. Nakatuon parin kasi sa grades ang aking atensyon sa ngayon."

"Pero medyo kinikilig ako kay Mr. Ford a? Hahaha! Yung kwinento mo na kaya niya ginawa iyon ay dahil sayo."

"Sssh!" Pigil ko kay Aly at lumingon lingon sa paligid. Mahirap na baka may makarinig. Buti na lang at konti lang ang tao ngayon rito dahil weekends.

"Matanong nga kita, kahit konti ba wala kang nararamdaman sa taong yun?" Bulong nito which made me stop.

"Di ko alam." Wala sa sariling sagot ko.

"Kasi kung ako yun? Baka na fall na ako. Isipin mo ha? Given na yung pagiging gwapo. Siguro, masungit pero mabait din naman. Tapos mayaman pa. Hahaha!"

'Tapos ang sweet pa' Dugtong ng aking isipan.

"Kaso hindi ikaw, ako." Simpleng tugon ko.

"Tss. Ewan ko sayo. Mauuna na ako ah? May date kasi ako."

"Date sa sarili." Sambit ko kaya inirapan niya ako. Natatawa itong nagpaalam sa akin at nauna ng lumabas ng cafeteria.
**

"Hey." Napa angat ako ng tingin ng may magsalita sa aking harapan at inabutan ako ng isang tubig. Hinayaan ko lang ito at nagpatuloy sa pag aaral.

Makalipas ang ilang minuto ay wala akong naririnig na salita. Ano kaya ginagawa niya? Sinubukan kong mag angat ng tingin at saktong naabutan ko siyang nakatitig sa akin.

"Need help?" Pag uumpisa nitong tanong. Hays, di ba niya na fi-feel na ang awkward ng paligid?

"No." Simpleng sagot ko. Namayani muli ang katahimikan dahil di na muli ito nagtanong. Ilang oras kaming nag stay roon na walang imik. Mabuti na rin iyon para mas makakapag focus ako sa pag aaral.
**

"Di ba dapat, nagre-review ka para sa nalalapit na contest na sasalihan mo?" Pagsisira ko sa katahimikan na kanina pa namamayani. Nandito kami ngayon sa park ng elementary at nagme-meryenda.

"May binigay sa akin si Mrs. Salazar na mga magazines na maaring kuhanan nila ng topics."

"Tapos?"

"Nabasa ko na mga laman nun, dati pa." Weh? Mahilig ba siyang magbasa? Or sa magazines lang talaga?

Di na ako nagtanong pang muli at pinagmasdan na lang ang mga ibon na nagsisiliparan sa mga puno. Maya't maya ay napansin kong biglang may kinuha si Mr. Ford sa kanyang bag at nilabas ang earphone.

"Teka, ano gagawin mo?" Nag aalala kong tanong. Don't tell me, makikinig siya sa music? Gusto ba niyang maulit yung nangyari sa kanya noon?

Di ito nakinig sa akin at sinuot ang isang earphone at nilagay rin yung isa sa akin.

"Teka-" Pigil ko sa kanya ng akma na nitong may pipindutin sa cellphone.

"Trust me." Seryoso nitong tugon. Pinindot nito ang play button at nagsimula na ang tugtog. Nakatingin lang ako sa kanya at nag aabang ng kanyang reaksyon. Ito kasi yung music na pinakinggan niya noon sa music room.

"Don't tell me, prank mo lang yung nangyari sa music room noon?" Tanong ko at tinanggal ang earphone.

"Tss. Hindi." Seryoso nitong sagot at pinasuot muli sa akin ang earphone.

"I used to love music. Its like, my life already depends on it. I have a girlfriend-"

"Oh? Nagka girlfriend ka?" Gulat na tanong ko.

"Yeah. Kaso nung time na yun, selfish ako. Sarili ko lang ang aking iniisip. I am staying here in the Philippines two years ago. I was asked to choose between music and my girlfriend. Di ba nga, selfish ako. Mahal ko girlfriend ko pero mas mahal ko ang music. Till such time, when I'm at a concert with my idol? It's the time when my mom and my girlfriend got into a car accident. I should be the one driving, that time but I choose na pumunta sa concert na yun. Kung mas pinili ko lang samahan siguro yung girlfriend ko noon, dapat buhay pa siya pati si mama."

"Kaya ba everytime na nakikinig ka sa music, laging bumabalik ang alaala ng nakaraan?" Tanong ko. Tumingin ako sa gawi niya at kitang kita doon ang pagsisisi.

"Yes. Then, my dad sent me at States. Nagsimula na akong magbulakbol. Lahat ng gusto ko, kabaliktaran ang aking ginagawa. Natatakot na kasi akong may masamang mangyari ulit. Last month, medyo humihina na din si papa. Walang ibang magmamana ng mga business niya maliban sa akin. I am only child. That's why he decided na pauwiin ako rito para mag aral. Wala akong balak magseryoso but when I met you-"

He stop. I saw him in my peripheral vision na tumingin ito sa akin.

"I learn to love myself again but not how I loved myself in the past. It's because of you, Jezka."

Tutoring Mr. FUTURE CEOWhere stories live. Discover now