Chapter Thirty Two

165 5 0
                                    

Jezka's POV

"Nag e-enjoy ba kayo?" Rinig kong sigaw ng aming MC. Ngayon ang SHS ball. Kung kaya't ang gymnasium ay napaka ingay. May isang pabilog na stage sa gitna kung saan pwede kang kumuha ng litrato dahil nagbibigay ganda ang mga bulaklak at mga halamang nakapaligid rito. Para ka, tuloy nasa kaharian ng mga diwata.

Konti lang din ang mga ilaw na nakabukas pero sakto lang para makita iyong mga dinadaanan at mababangga mo. Pabonggahan din ang iba sa suot na gown. Magkano kaya pinangbili nila ng mga damit nila. Hmm.

"Hey, can we dance?" Napa angat ako ng tingin ng yayain ako ni Edrian. Iniabot ko ang aking kamay at sumabay sa kanya papunta sa gitna. Kasalukuyan kasing sweet music ang tumutugtog.

"Tao ka pala." Pagsisimula ni Edrian. Kinurot ko ito sa kanyang ilong dahilan upang masaktan ito.

"Anong akala mo sa akin? Hayop ganun?"

"Pwede." Nang aasar nitong sagot. Babatukan ko na sana ng bigla niyang bawiin ang kanyang sinabi kaya natawa na lang ako. Bagay sa kanya ang simple nitong haircut. Actually, cute siyang ngumiti dahil sa pantay pantay niyang ngipin. Nagtataka tuloy ako kung nagpa brace ba siya bago kami nagkakilala noong bata o sadyang inborn na iyon. Hahaha!

Nag stay kami roon hanggang matapos ang music. Hinatid niya ako at agad rin siyang nagpaalam na kukuha ng makakain.

"Jezkaaaa!" Rinig kong sigaw ni Alyx kaya agad ko itong hinanap. Niyakap niya ako na para bang matagal akong di nakikita. Ang higpit kasi ng kanyang yakap.

"Wow! Nagsisisi tuloy akong binili para sayo yang gown." Nagtatampo nitong tugon.

"Ha? Bakit?"

"Mas maganda ka na sa akin." Natatawa nitong sagot kaya inirapan ko na lang.

"Duh. Maganda ka rin kaya. Actually, tayong tatlo magaganda." Nakangiti kong tugon. Maganda naman talaga silang dalawa ni Aly e.

"Nga pala, nakita mo na si Aly?" Tanong ko. Bago pa man ding sumagot si Alyx ay sumabat na si Aly na kararating lang.

"Saan ka galing?" Agad na tanong ni Alyx.

"Dun sa pagkain. Ang yummy kasi ng mga itsura kaya kumain na muna ako." Natatawa nitong sagot.

"Kaya ka tumataba kasi puro ka pagkain e." Komento ko. Nakasuot ng blue na long gown si Aly at si Alyx naman ay katulad kong black.

"Kaya nga ako kumakain ng marami kasi sinasabi na nilang chubby is the new sexy." Natatawa niyang depensa. Napa sigh na lang kami ng sabay ni Alyx.

Pinanood namin ang mga masasayang nagsasayawan. Minsan, nakiki sayaw na rin. Pag nakikita kami ng aming mga ka klase ay agad na selfie. Syempre remembrance.

"Guys, babalikan ko lang yung gift ko para sa inyo sa dorm. Naiwan ko kasi." Sambit ko. Sa dami ng pwedeng kalimutan, bakit iyon pa e.

"Samahan na kita." Tugon ni Edrian pero umiling ako. Malapit lang naman e.

"No need. Mabilis lang ako."

"Sobra ka kasing makakalimutin e. Pero kung sagot sa mga exams, naaalala mo naman." Rinig ko pang sambit ni Aly. Inirapan ko lang ito at nagsimula na akong maglakad paalis doon.

Bumungad sa akin ang malamig na simoy ng hangin. Napatingin ako sa aking relo at pasado ala una na pala. Wala ng mga tao sa hallway ng mapadaan ako kung kaya't medyo nakakatakot. Habang palayo ako ng palayo sa gym ay mas namamayani ang katahimikan.

Geeze, goosebumps.

Malapit na ako sa dorm ng bigla akong mapatigil sa ingay na aking narinig. Di ko alam kung umiiyak bang bata iyon. Or baka naman mali lang ako narinig? Damn.

Binilisan ko ang aking paglalakad hanggang sa maabot ko ang cafeteria. Wala na ring tao roon dahil sa gabi na nga. Maya't maya ay mas naging malinaw na ang aking narinig kanina.

Sa hindi kalayuan, may dalawang taong nakatayo. Kilala ko kung sino sila dahil maliwanag kung nasaan sila.

Si Mr. Ford kasama si Thea.

Niyakap ni Brix si Thea habang pinapatahan ito sa pag iyak.

Sinusubukan kong umalis.

Sinusubukan kong wag tignan.

Sinusubukan kong wag pansinin.

But damn, I fucking can't!

Namuo ang luha sa aking mata. I can't breathe properly. Sumasakit ang dibdib ko.

I want to cry. Damn, nasasaktan parin ako.

Tutoring Mr. FUTURE CEOTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang