Chapter Twenty-one

176 3 0
                                    

Jezka's POV

"Jex, kumusta ang vacation?" Bungad ni Aly at Alyx sa akin. Inabangan nila ako sa gate ng school. Hinanap ng aking mata si Mr. Ford pero di ko ito makita. Baka wala pa siya?

"Maayos naman. Enjoy." Nakangiti kong sagot. Nilabas ko ang mga pasalubong na aking binili na dali-dali naman nilang kinuha.

"Teka, bakit may mga estudyante sa bulletin board? Ano kaya meron dun?" Nagtatakang tanong ni Aly at dumeretso na roon. Pansamantala naman kaming tumigil ni Alyx at hinintay siya.

After ng isang linggong pahinga ay magsisimula na naman ang second sem. Pero wait, baka ranking ang nandoon?

"Jex, Alyx." Malungkot na saad ni Aly ng makalapit sa amin.

"Bakit?" Tanong ni Alyx.

"Number five ako sa ranking namin. Tapos si Alyx ang number one sa inyo at Jex-" Tumigil si Aly at tumingin sa akin.

"Number six ka."

"What?!" Gulat na tanong namin ni Alyx.

"Paanong nangyari iyon? Eh konting quizzes lang naman iyong wala siya?" Tugon ni Alyx. Number six. Ang layo sa top one. Paano ako makakabawi? My heart has been slain!

"Congrats Alyx." Sincere kong bati at tinignan niya naman ako ng nag aalalang tingin.

"And guess what, number ten si Mr. Ford."

Lalo akong nagulat sa kanyang sinabi. May two sections ang abm kaya ako nagulat dahil nakapasok siya ng top ten.

"What?" Agad na tanong ni Mr. Ford sa aming likuran kaya agad kaming napatingin rito.

"Congrats Mr. Ford!" Bati ni Alyx.

"Yiee nakapasok siya ng top ten-" Biglang napatigil si Aly at napatingin sa bitbit ni Mr. Ford na bag.

"Nagsama ba kayo?" Seryosong tanong ni Aly.

"No. No." Awkward kong sagot.

Tinignan naman ako ng nagtatakang tingin ni Alyx at Aly. Oh common, believe me I am saying the truth.

"Ate Jex, kuya Brix, pinapapunta po kayo sa admin building. Sa office ni Mrs. Vina." Napatingin kaming lahat sa nagsalita. Isang grade ten student.

After niyang sabihin ang lahat ng iyon ay umalis na ito.

"I-ready mo na lahat ng iyong kasagutan mamaya Jex." Sambit ni Aly at natatawa naman si Alyx. Kinuha ni Aly ang aking bag dahil siya na lang daw magdadala sa dorm namin. Syempre, nagpasalamat naman ako.
**

Bumungad sa amin si Mrs. Vina na seryosong kinakausap si Mr. Ford, este yung papa ni Brix. Teka, ano ulit ginagawa niya rito?

"Please excuse me for a while sir, kailangang kayo ang mag usap usap na ng personal." Sambit ni Mrs. Vina at lumabas na ng office. Teka, ano nangyayari?

"Ms. Valencia, I hope you enjoyed staying at the resort." Nakangiting tugon ng papa ni Brix. Nag nod naman ako bilang sagot at nahihiyang ngumiti. Mukhang di rin niya alam na kasama ko ang anak niya.

"But, I need to stop you being my son's tutor."

Ako ay nagulat sa kanyang sinabi. All of a sudden?

"What? No." Agad naman na tutol ni Brix sa aking tabi.

"If nag aalala kang mawawala ang scholarship ni Ms. Valencia, nagkakamali ka. Ako parin ang bahala sa pag aaral niya sa kolehiyo. A promise is a promise." Paliwanag nito kay Brix. Napabuntong hininga na lang ako dahil buti na lang di mawawala ang scholarship ko.

"Matalino ka naman e. Kaya mo namang mag isang mag aral. Tsk." Natatawa kong tugon kay Brix sa aking tabi.

"No. No. Di siya mag aaral ng mag isa. I am recommending someone."

"What? I don't want to-" Reklamo ni Brix pero agad na natigil iyon ng bumukas ang pintuan. Kaming tatlo ay napatingin roon at niluwa nito ang isang babae. Maputi, balingkinitan ang katawan, mukhang mahinhin, tapos parang ang perpekto ng mukha.

"Oh? Nandito ka na pala. Brix, she's going to be your tutor." Nakangiting saad ng ama ni Brix. What? Siya ang magiging tutor niya? Nako, ang swerte naman ni Brix. Ang ganda ng magiging tutor niya. A goddess! Charot.

Napatingin ako sa direksyon ni Brix. Nagtataka naman ako ng madatnan ang kakaiba nitong reaksyon. Kita mo, nakakita lang ng maganda natulala na.

Siniko ko ito dahil ni kumurap ay di na niya magawa. What's wrong with this man? Di ba niya naiisip na nandito ako sa tabi niya?!

"What?" Tanong nito sa akin.

"Bagong tutor mo raw." Sambit ko at tinignang muli ang babae. Nakatayo ito malapit sa papa ni Brix. Parang hari at prinsesa.

Naramdaman ko ang pagtayo ni Brix at lumapit sa babae. Nagulat ako ng bigla niya itong yakapin. Teka, bakit ganun na lang ang reaksyon niya? Kapatid ba niya? Total may pagkakahawig naman silang tatlo.

Nakaramdam ako ng selos sa biglaang pagyakap ni Brix. Hey, I'm here.

Your future girlfriend is here. Tss.

Tutoring Mr. FUTURE CEOWhere stories live. Discover now