Chapter Seventeen

168 5 0
                                    

Jezka's POV

Pinagmamasdan ko ang mga booths na nakatayo sa gilid gilid. Di ko na alam kung saan pumunta si Mr. Ford. Kanina kasi ay di na niya ako sinundan.

"Ouch." Asik ko ng may mabangga akong isang babae. Nag angat ako ng tingin at saktong bumungad sa akin si Alyx.

Namumugto ang kanyang mukha at halatang galing sa pag iyak. Aalis na sana ito ng wala sa sariling pinigilan ko siya.

"What? Sisisihin mo ako kasi di ko sinabing gusto ko si Dexter? No need Jex." Sambit nito at pilit binabawi ang braso niyang hawak ko.

"Sinisisi ko ang sarili ko kasi di ko napansing may nasasaktan na pala. Sinisisi ko ang sarili ko kasi di ko napansing umiiyak na ang bestfriend ko tuwing gabi dahil sa ginagawa ko."

Napakagat ako sa aking labi ng sabihin ang mga salitang iyon. I tried to hold back my tears pero di ko kaya. Masakit.

Maya't maya ay bigla na lang akong niyakap ni Alyx. Umiyak siya ng umiyak habang pilit humihingi ng tawad. I tapped her back para pakalmahin siya.

"Alyx, sorry."

"No. No. Sorry for not telling you Jex. Sorry."

Wala na sigurong mas sasasarap sa pakiramdam kapag muli kayong nagkabati ng matalik mong kaibigan.
**

"Mahal ka ni Dexter, Alyx. Ramdam ko iyon. Kasi di niya ako susukuan kung talagang mas mahal niya ako." Napaangat ng tingin si Alyx sa akin pagkatapos kong sabihin iyon.

Nandito kami ngayon sa cafeteria at kumakain. Madaming mga estudyante at bisita rito dahil nga open ang school tuwing foundation.

"Di ko alam, Jex. After ng pag uusap namin kanina, mukhang malabo ng maging kami. After ng foundation, tatanggapin na nila yung offer ng isang company. Titigil na sila sa pag aaral at mag fo-focus sa mga career nila."

"Kaya mo ba?"

"Kakayanin ko. Siguro, masyado lang akong nabulag sa pagmamahal na nararamdaman ko para sa kanya kaya nagawa ko lahat ng yon."

"Alyx-"

Di ko natuloy ang aking sasabihin dahil biglang um-eksena si Aly na kasama si Mr. Ford. Bakit magkasama tong mga 'to?

"Jex, inaaway ka ba niya?" Nag aalalang tanong ni Aly. Naupo siya sa aking tabi at pumunta naman sa aking likuran si Mr. Ford.

"Easy. I am not hurting her." Depensa naman ni Alyx.

"What do you mean?" Tanong ulit ni Aly.

Tumayo ako sa aking upuan at naupo sa tabi ni Alyx.

"We're okay now." Nakangiti kong sagot.

Nakita kong sumilay ang ngiti sa labi ni Aly. Habang wala namang paki alam si Mr. Ford. Tsk.

"Goodnews! Woaaaa!" Sigaw ni Aly pero agad din niyang hininaan dahil napatingin sa amin ang ibang mga tao. Naupo si Mr. Ford sa tabi ni Aly dahil iyon lang ang natitirang espasyo. Nagkwentuhan kami doon ng kaytagal at sinusulit ang oras. Masaya akong nagbati na kami. Masaya akong bumalik na ang dati kong kaibigan.

Nahuhuli ko naman si Mr. Ford na nakatitig sa akin pero agad din nitong binabawi. Tsk. Whatever Mr. Ford! Pakipot ka pa e. Gusto mo ako di ba? Aminin mo na. Gusto rin naman kita. JOKE.
**

"Kumusta ang exam?" Bungad sa akin ni Mr. Ford, Aly at Alyx ng makalabas ako ng room. Ang aga naman ata nilang natapos? Magkakaiba kasi kami ng room para siguradong wala daw mangyayaring kopyahan.

"Ayos lang. Basic." Nakangiti kong sagot at nagsimula ng maglakad. Sumabay naman ang mga ito.

"Basic. Psh. Hulaan ko, di mo alam sagot ng number 18 sa business ethics." Napatingin ako kay Mr. Ford ng magsalita ito. Teka, paano niya nalaman? Busy si Aly at Alyx na nagkwe-kwentuhan sa ibang bagay kaya't di na nila napapansin ang aming pinag uusapan rin ni Mr. Ford.

"When we were reviewing yesterday? I'm busy staring at you but I am listening with what you are saying. I got confused sa isang topic na sinabi mo. Based on my stock knowledge, di ganun yon. Itatama sana kita kaso biglang dumating yang dalawa."

Napa angat ako ng isang kilay sa kanyang sinabi. Totoo kasing di ko alam sagot sa number 18. Hahaha! Di rin ako sure sa in-explain ko sa kanya no'n. Secret na lang natin. Hahaha! Pero sa topic lang naman na iyon, don't worry.

Sasagutin ko pa sana siya ng biglang makasalubong namin sina Mrs. Vina kasama ng tatlong disenteng lalake. Teka, sila ba may ari ng school? Weh?

Yumuko kaming tatlo nina Alyx habang si Mr. Ford ay nanatiling nakatayo. Hinila ko ang kanyang kamay para yumuko pero ayaw nitong magpatinag. Tsk. Ilang segundo pa ay umayos na kami ng tayo.

"Please to meet Ms. Jezka Valencia, Sir. Mr. Ford's tutor. And these two beautiful ladies here are her friends." Pag uumpisa ni Mrs. Vina. Teka, sadya ba nila kami? Akala ko kasi napadaan lang sila.

Napatitig ako sa mata ng lalaking aking kaharap ngayon. Bakit parang bigla akong nakaramdam ng kaba?

"It's nice meeting you Ms. Valencia. Thank you for tutoring my only son. Pero may girlfriend na ba siya?" Natatawa nitong tanong. Teka, what?! Ang lalaking aking nasa harapan ay ang ama ni Mr. Ford?! Kaming tatlo ay napanganga dahil sa kanyang sinabi. I never expected him na sumulpot dito ng ganito kaaga.

Nahihiya akong umiling bilang sagot. Sir, si Mr. Ford lang makakagawa ng misyon na iyan. Siya lang ang pwedeng masunod kung sino ang gusto niyang maging girlfriend. Tsk

"I am just kidding with the girlfriend stuffs Ms. Valencia." Natatawa uli nitong sambit. Okay, mukhang magkabaliktaran si Mr. Ford at ng kanyang papa. Masayahin ang papa niya na may pagka strikto sa mukha habang si Mr. Ford ay tahimik na maamo ang mukha. Masungit siya pero sakto lang.

"By the way, as my gratitude towards your efforts. I am giving you one week vacation in a resort you want Ms. Valencia. Isama mo na lahat ng gusto mo, my treat."

Nagulat akong muli sa kanyang sinabi. Damn, magbabakasyon kami sa isang resort? Just wow. Matagal na ring di ako nakakapunta sa mga beach. Waw! Sorry pero kakapalan ko na mukha ko. Total may one week naman kaming vacation kasi katatapos lang ang first sem.

Here we come, beaches!

Tutoring Mr. FUTURE CEOTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang