Chapter Seven

184 4 0
                                    

Jezka's POV

Nandito kami ngayon sa mall kung saan mang ti-treet si Mr. Ford. This is the second time na nakapunta ulit ako rito. Minsan lang kasi ako lumabas ng paaralan dahil nagtitipid ako sa pera.

"Paano mo napapayag si kano na mang treat?" Tanong sa akin ni Aly habang kumakain kami sa isang restaurant. Actually, ako palang ang nakaka alam na nagsasalita at nakakaintindi si Mr. Ford ng tagalog. Damn, gusto kong magpalamon sa lupa ng maalala lahat ng tagalog na sinabi ko sa kanya. Ilang weeks ko siyang iniwasan, for pete sake! Result ng monthly examination niya? Bagsak. Kinausap ako ni Mrs. Vina, na kapag bumagsak pa si Mr. Ford sa final examination this sem ay papalitan na ako bilang tutor. Ibig sabihin nun, mawawala scholarship ko ngayon at ang pagtungtong ko sa college.

Iyong nakita namin sa bulletin board ni Mr. Ford ay ang isang paligsahan kung saan, kapag nanalo ka ay may chance kang makapasa sa mid term kaso di pumayag si Mr. Ford kaya, yun bagsak! Kaya ngayon, sisiguraduhin kong makakapasa na siya sa final examination.

"May kasalanan kasi." Simpleng sagot ko kay Aly.

"Ano naman yun?"

Ngumiti lang ako kay Aly at di na siya sinagot. Maya't maya ay bigla na lang ulit siyang nagsalita.

"Teka, di ba hahanapan mo ng girlfriend yan si kano?" Out of nowhere niyang tanong kaya nag angat ako ng tingin sa kanya.

"Yeah?" Sagot ko.

"Then, hanapan natin siya ngayon dito." Masayang suhestyon ni Aly at lumingon lingon na ito sa paligid.

"Hey Mr. Kano, do you want to have a girlfriend?" Tanong ni Aly kay Mr. Ford.

"No." Simpleng sagot naman ni Mr. Ford at nagpatuloy sa kinakain. Napapansin ko lang, medyo nagkaroon na siya ng ganang kumain.

"Hayuuun!" Sigaw ni Aly at tinuro yung isang babae na naka white dress.

"Tss. It's small." Reklamo ni Mr. Ford. Akala ko ba ayaw niya?

"The girl in red?" Suhestyon ulit ni Aly.

"Too sexy. I don't want."

"The girl in white shorts."

"Too pretty."

"Eh di yung matanda na lang dun!" Napalingon ako sa taong sinasabi ni Aly. Gusto kong matawa dahil matanda talaga yung sinasabi niya.

"Ayaw mo sa maliit, ayaw mo sa sexy at ayaw mo rin sa maganda. Tao ka pa ba?" Naaasar na tanong ni Aly at nagpatuloy na sa kinakain.

"By the way, don't you have a boyfriend? The two of you?" Mr. Ford also asked out of nowhere.

"I'm an NBSB. And this girl behind me, has one ex." Turo sa akin ni Aly.

"Ah. That boy?"

Napatingin kaming lahat sa tinuturo ni Mr. Ford. Si Dexter, kasama ni Alyx ulit. What a coincidence. Bakit dito pa sila nagpunta? Tsk.

"I'm done. Let's go somewhere." Suhestyon ni Mr. Ford at nauna ng maglakad. Sumunod naman kami ni Aly at sumalubong sa amin ang sinag ng araw sa labas.
**

"Thank you for the treat Mr. Ford! Till next time, okay?" Masayang biro ni Aly at nauna ng pumasok sa loob ng dorm.

"By the way, sorry for lying." Pag uumpisa ni Mr. Ford.

"Pero teka, bakit ka nagpanggap na di ka nakakaintindi ng tagalog?" I curiously asked.

"The first time, I enter here. Ang daming babae na nagpapapansin. So when I tried speaking in english, nag back out na sila, umalis ganun. Then, the day na nakita mong gusot gusot at tsinelas ang gamit ko? Hinabol ako nung mga babae."

Eh? Seriously? Medyo natawa ako sa kwinento niya. Damn, artistahin rin pala tong kasama ko! Obviously.

"Remember, nag i-stay ang papa ko rito? Di mo man lang ba naisip na Pilipino ang tatay ko kaya may chance na marunong ako sa tagalog?" Pagpapatuloy nito.

Bakit di ko yun naisip?! Damn, pinagdududahan ko na tuloy utak ko ngayon.

"Jex, ilang oras pa kayo diyan?" Napalingon ako sa aking likuran ng makita doon si Aly. Mukhang wala naman siyang narinig. Nagpaalam ako kay Mr. Ford at pumasok na sa loob.
**

"Okay. Pass your papers forward." Utos ni Mrs. Salazar after ng quiz. Kinuha ko ang papel ni Mr. Ford at laking gulat ko ng makitang walang laman iyon. Damn, tinuruan ko naman siya rito a! Tsk.

"Dismissed."

Hinila ko si Mr. Ford palabas ng room at dinala siya sa walang tao.

"Di ba tinuro ko yun sayo? Bakit ni isa, wala kang sinagot?!" Naaasar kong tanong.

"Nakalimutan ko." Simple nitong sagot. Kahit ilang pilit ko siyang turuan kung ayaw niya namang magseryoso, walang saysay.

"Tss. Next time, please focus kasi at-"

Natigil ako sa pagsasalita ng tumunog ang cellphone ko. Minsan lang ako maka receive ng text message kaya siguradong baka importante ito.

"Hey, are you okay?"

Nag aalalang tanong ni Mr. Ford sa akin at inalalayan ako ng bigla akong mapaupo sa sahig.

Ayoko.

I'm still not ready.

Please.

Babawi pa ako.

Bumagsak ang luha sa aking mata ng di ko namamalayan. Nakita ko sa aking harapan ang nag aalalang mukha ni Mr. Ford.

Please, wake me up again.

Tutoring Mr. FUTURE CEONơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ