Chapter Twenty Four

173 4 0
                                    

Jezka's POV

"After this, kayo naman ang mag re-reconcile. Okay?" Tugon ni Mrs. Gina at naglakad na paalis. Wala siya kahapon dahil may seminar daw siyang pinuntahan. Magaling siya magturo sa accounting, iyong agad mong naiintindihan ang kaniyang mga pinapaliwanag.

"Hey, lunch?" Rinig kong tanong ni Mr. Ford. Di ko iyon pinansin at inayos ang aking mga gamit.

"Di ba may ituturo pa ako sayo?" Tugon naman ni Thea.

"Oo nga pala. Pwede namang after lunch, di ba?" Sagot naman ni Mr. Ford.

Oh damn, I can't take it. After ng pag uusap namin sa feasib noon, ay di na niya ako sinasamahan. Lagi na lang Thea! Thea! Thea! Kabanas.

"Je, lunch?" Habol na sigaw ni Edrian sa hindi kalayuan sa aking likuran. Di ko iyon pinansin hanggang sa namalayan ko na lang na kasabay ko na siya sa paglalakad.

"What?" I asked.

"Tinatanong kita if gusto mo ng treat sa lunch."

"Wala akong gana."

"Teka, pinapamigay pala ni Mr. Ford-" Di pa man din niya natatapos ang kaniyang sinasabi ay tumigil na ako sa paglalakad at tumingin sa kaniyang gawi.

"Nako, malala ka na Je." Pang aasar na sambit nito. Oh damn, bakit kasi ako tumigil? Aish! What's wrong Jex?

Inirapan ko si Edrian at naglakad ng muli. Di ko alam kung saan pupunta. Di ko alam kung saan tutungo. Basta gusto ko lang maglakad-lakad hanggang sa mapagod ako.

**

"So we have decided na shake na lang ibebenta natin. Not a café nor a street foods." Pag uumpisa ni Thea.

Nandito ulit kami sa kung saan usapan naming pag usapan ang aming feasibility. Nakikinig lang ako sa kanilang usapan at sinasagot ang kanilang mga katanungan pag tinatanong nila ako.

"Okay. That's it. Mauuna na kami ni Brix ha?" Paalam ni Thea at naglakad na paalis habang sumunod naman agad si Mr. Ford.

"Bakit di mo kausapin?" Tanong ni Edrian at tinignan ako.

"Wala namang dahilan." Saad ko.

"With your actions, sa tingin mo ba di pa yan dahilan?"

"Walang kami."

"Pero parang may namagitan sa inyo."

"Wala kang alam."

"Common Je, I know you. Di ka magkakagusto sa isang taong di mo kilala. Kadalasang, mga nakakasama mo ang nagugustuhan mo syempre except sa akin."

Napabuntong hininga na lang ako at tumingin sa kawalan.

"May gagawin pa pala ako. Mauuna na rin ako. See you mamaya."

Nag nod na lang ako sa kanya bilang sagot. I saw on my peripheral vision na muli itong tumingin sa akin bago tuluyang naglakad paalis.

Ramdam ko sa aking balat ang malamig na simoy ng hangin na galing sa mga punong nakatayo sa gilid gilid.

Je, what's wrong? Bakit ka nagkakaganyan? Bakit pati si Mr. Ford prino-problema mo? Aish!

May 30 minutes pa naman bago ang isa ko pang subject. Wala naman akong gagawin at pupuntahan kaya mas mabuting dito na lang muna ako.

"This must be crazy love~" Kanta ko sa isang linya ng 'Going Crazy' sa maliit na boses. So is this crazy love?

Ginugulo ko ang aking buhok at di napigilang sumigaw sa inis. Di ko alam kung may mga taong malapit sa akin pero wala na akong paki alam doon. Ang puso ko ay naghahanap ng kasagutan-

"Jezka." Natigil ako sa pag iisip ng marinig bigla ang kanyang boses. Bumilis agad ang tibok ng aking puso at naramdaman ko na lang ang pagkakaroon ng pawis sa aking noo.

"Going crazy?"

"Ha?" Nauutal kong tanong.

"Nakita ko kung paano mo guluhin ang iyong buhok. Nababaliw na?"

"Baliw sa'n?"

Nagkibit balikat lang ito at naupo sa aking tabi. Oh damn, bakit siya bumalik? Nasaan naman kaya yung Thea? Tsk.

"By the way, pinapatawag ka ni Mrs. Salazar." Tugon nito.

"Okay." Simpleng sagot ko. Buti na lang at agad akong nakabalik sa sarili ko. Mapaghahalataan ako pag nagpatuloy ang ganung reaksiyon ko.

Kinuha ko ang aking bag at aalis na sana ng may humawak sa aking kamay. Napalingon ako kay Mr. Ford at sa kamay kong hawak niya.

"What?" Tanong ko. Pilit pinipigilan ang aking sarili na pagpawisan.

"Nothing. Go." Sagot nito sa mababang boses at binitawan na ang aking kamay.

Tumalikod ako. Di ko alam kung hahakbang o wag muna. Damn, Brix pigilan mo ako. Pag pinigilan mo akong muli, aamin na ako. So please!

Nakakailang hakbang na ako pero wala parin.

Common Jezka! Just leave. Di ka niya gusto so just go. Stop assuming things.

"Wait a minute."

Tutoring Mr. FUTURE CEOKde žijí příběhy. Začni objevovat