Chapter Twenty Five

164 3 0
                                    

Jezka's POV

Saturday. Late na akong nagising dahil na rin siguro sa pagod kahapon sumabay ang mainit na panahon. Sana man lang magkaroon ng pa aircon dito sa dorm. Syempre joke lang kasi baka pag nangyari yon, mas magmamahal ang mga babayaran.

Walang Aly na bumungad sa akin. Mukhang maaga siyang umalis. Napatingin ako sa isang note na nakapaskil sa alarm clock.

'May bibilhin lang ako sa palengke, baka kasi hanapin mo ako. Haha! Mag iingat ako, don't worry. Mua mua'

After kong basahin ay natawa na lang ako. Dumeretso ako sa banyo at naligo. Inayos ko ang aking sarili at lumabas na ng dorm. Damn, nagugutom na ako.

Noong pigilan ako ni Brix kahapon, gusto ko na sanang sabihin na may nararamdaman ako sa kanya kaso dumating bigla si Edrian.

**

"Mag isa ka ata?" Nakangiting tanong ni ate Lany ng makapasok ako sa cafeteria. Siya iyong nagluluto ng makakain tuwing saturday and sunday. Nagiging part time daw kasi niya ito. HRM student siya at tuwing weekends lang nagkakaroon ng vacant.

"May pinuntahan si Aly tapos si Edrian at Alyx naman ay umuuwi ng weekends ate." Nakangiti kong sagot. Habang pumipili ng makakain ay napansin kong may tinignan si ate Lany mula sa pintuan.

"Mag de-date na nga lang kayo, bakit dito pa?" Natatawang tanong ni ate Lany. Lumingon ako sa kaniyang tinitignan at agad na nagtama ang mata namin ni Brix.

"Pasok na muna ako sa loob. Kain lang kayo." Agad akong nag iwas ng tingin kay Brix at nginitian na lang si ate Lany. Nagpatuloy ako sa pagkuha ng pagkain at pagkatapos ay dumeretso sa isang table malapit sa bintana.

Napa angat na lang ako ng tingin ng lumapit ito sa akin. Act normal Jezka.

Naupo ito sa katapat kong upuan. Nagsuot agad ito ng earphone at pinikit ang mga mata. Oh damn, ano sa tingin niya ang kaniyang ginagawa?

Teka, akala ko umuuwi rin siya tuwing weekends?

Tsaka teka, anong trip niya?

Nagpatuloy lang ako sa aking kinakain. Ilang minutong di siya nagsasalita. Walang imik.

Nang makontento ako sa aking kinakain ay nagdesisyon na akong tumayo. Kahit gusto ko pang makasama siya rito, kailangan ko ng umalis. This is not healthy. Nagiging one sided love, at ayoko nang ganon.

"So are you going to avoid me like that?" Rinig kong tanong niya. Lumingon ako sa kanyang gawi at bumungad sa akin ang seryoso nitong mukha. This is the first time I saw him na ganito ka seryoso.

Tinanggal nito ang kaniyang earphone at tumingin muli sa akin.

"Ano?" Nagtataka kong tanong. Kailan ko pa siya iniwasan? Siya nga 'tong nakalimot na. Tsk

"The last time, you chose that street foods rather the one that I suggest. I invited you to lunch pero ayaw mong sumama. I want to talk to you yesterday but you still choose to be with that guy." Mahaba nitong paliwanag. Oh are you serious Mr. Ford? Mukhang baliktad ata?

Teka, ano mga sinasabi niya? Di ko maintindihan.

"Then now, parang wala ako rito. Pag gusto mo umalis, aalis na lang. What's wrong with you?" Sunod nitong tugon. May halong pagtataka sa kaniyang mata at di ko parin alam kung bakit nagkaganon.

"Jezka, tell me. Do you love that guy?" Tanong nito. Teka, si Edrian ba ang tinutukoy niya?

"Yes. As a friend." Agad kong sagot.

"I mean, do you love her more than friends?"

"No."

"Then why-"

Bago pa man din niya matuloy ang kaniyang sinasabi ay nagsalita na ako. Based on his actions, feeling ko tuloy gusto niya ako. Kulang na lang ay ang linawin niya gamit ang mga salita. Ito yung mga pa fall e. Bwisit.

"Can't you just stop? You're acting like a jealous boyfriend! You're acting like you love me. You're making me feel that you really cared for me. Then what? Pagkatapos nun bigla ka na lang mang iiwan at aalis. Nakakita ka na ng ibang pagtri-tripan that's why you left me behind with full of questions, unanswered. So if these are parts of your game then stop it! It isn't funny."

Tutoring Mr. FUTURE CEOWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu