Chapter Ten

171 7 0
                                    

Jezka's POV

"Congratulations Mr. Ford, you really improved." Rinig kong bati ni Mrs. Salazar kay Mr. Ford. What do you mean na nag improve?

"Oh? Ms. Valencia? How are you? I heard, namatay daw ang parents mo sa isang aksidente. Condolences." Malungkot na saad ni Mrs. Salazar ng pumasok ako sa room. Kitang kita ko ang pagka awa sa mga mukha ng aking mga ka-klase, including Alyx, Dexter and Mr. Ford. So what?

Ngumiti ako ng pilit at nagtungo sa aking upuan. Ramdam kong sinusundan ako ng tingin pero di ko na lang iyon pinansin.

"Condolence." Rinig kong bulong ni Mr. Ford sa aking likuran. Di ko ulit iyon pinansin at itinuon ang atensyon sa harapan.

Ilang linggo din akong nawala kaya kailangan kong humabol sa mga napag aralan nila. Noong nabasa ko yung message na sinasabing wala na sina papa at mama, gusto ko ng sumuko. Gusto ko ng tumigil sa pag aaral subalit noong makita ko ang kaisa-isa kong kapatid ay nabago rin ito. Di ako pwedeng sumuko dahil meron pa akong isang kapatid na umaasa sa akin.

"Hmm." Napa angat ako ng tingin ng iniabot sa akin ni Mr. Ford ang isang notebook.

"Para saan?" Nagtataka kong tanong. Bago pa man din siya makasagot ay may babaeng biglang pumasok sa room at lumapit sa amin.

"Kuya, pinapamigay." Nahihiyang sambit nito at pinakita ang isang box ng chocolates. Nagulat ako nung una pero agad ding nakabawi. Nakangiti namang kinuha iyon ni Mr. Ford at nagpasalamat. Pagkatapos ay dali daling lumabas na ang babae.

"See?" Seryosong tanong sa akin ni Mr. Ford at naupo sa aking tabi.

"What?"

"Nakita mo? Ngayong kalat ng nakakaintindi pala ako ng tagalog, hayan. Bigay na naman sila ng bigay."

"Kasalanan ko-" Di ko na natuloy ang aking sasabihin dahil biglang nag flashback sa aking isipan ang nangyari bago ako umalis rito.

"Sinabi ko ba kasing lakasan mo boses mo? Tss." Saad ko at tumayo na.

"Sayo na yan." Tugon nito ng hindi tumitingin sa akin.

"Bat mo ibibigay sa akin eh sayo binigay?"

"You need it." Seryoso nitong sagot at nauna ng maglakad. Dali dali kong inayos ang aking gamit at sumabay na sa kanyang maglakad.
**

"Jex, ayos ka lang? I miss you." Malungkot na saad ni Aly at niyakap ako.

"Pasensya na kung di muna kita masasamahan sa dorm a? Di pa kasi tapos yung research namin." Pagpapatuloy nito.

"Nah. Ayos lang." Nakangiti kong sambit. Napatingin kaming lahat sa mga estudyanteng nagkukumpulan sa bulletin board. Maya't maya ay lumapit rito si Aly at dali daling binalita sa amin kung anong nakalap niya.

"Tungkol iyon sa nalalapit na foundation. Hays, di rin naman ako makakasali. Yung research kasi e. Tsk." Nagtatampong bungad sa amin ni Aly.

"Ano ba meron sa foundation rito?" Sunod na tanong ni Mr. Ford.

"Contest ng sayaw, kanta at spoken. Tapos meron ding mga booths at mga magbebenta ng mga mabibili. And, may pageant."

Magsasalita pa sana ako ng lumapit sa amin si Mrs. Vina.

"Oh? Ms. Valencia, you're here already. Condolence." Rinig kong sambit nito.

"By the way, dahil sa tumaas bigla ang mga nakukuhang quiz at performance ni Mr. Ford, I just want to congratulate you for doing a good job."

Nagulat ako sa sunod na sinabi ni Mrs. Vina at agad kaming napatingin ni Aly kay Mr. Ford.

"Ang masama, ay ang grades mo. Ilang linggo kang nawala kaya mahihirapan ka ng humabol. Sige na, mauuna na ako." Sambit nito at nilagpasan na kami.

"Bes, paano yan? Nangako ka pa naman sa parents mo na ga-graduate kang top one. Pag bumaba ka this sem, malabo ka ng makahabol sa second sem. Nandun pa naman yung kaibigan mong si Alyx. Eh halos dikit lang mga grades niyo." Seryosong sambit ni Aly.

Ayokong mabigo ang parents ko kahit wala na sila. Pero anong gagawin ko?

"I'll help you."

Tutoring Mr. FUTURE CEOWhere stories live. Discover now