Chapter Eight

169 5 0
                                    

Jezka's POV

"Wake up. Male-late ka na." Mahinahon kong tugon kay Mr. Ford dahil naabutan ko itong natutulog parin.

"Your face seems pale. What happened?" Nagtataka nitong tanong at tumingin sa akin.

"Nothing. Just take a bath and sumunod ka na lang sa cafeteria. Please, don't be late." Saad ko at lumabas na ng room niya.

Napakaaliwalas ng kalangitan ng mapatingin ako rito. Ilang araw pa ang kailangan kong tiisin bago makauwi sa probinsya. Hays.
**

"Naiintindihan mo ba? Lagi mong tatandaan na, kapag asset? Owned. Kapag liabilities ay owed. That's the keyword I know." Seryoso kong paliwanag kay Mr. Ford. Damn, sana kahit sa pagkakataong ito naiintindihan na niya. Ilang ulit ko ng sinasabi ito ngunit di niya makuha-kuha.

"Mauuna na ako. Please, wag ka a-absent sa first subject natin mamaya. May quiz daw tayo sabi ni Mrs. Vina." Huling sambit ko kay Mr. Ford at naglakad na palabas ng cafeteria.

Buong umaga ay di ko nakita si Aly. Nagpaalam ito na mag-o-overnight sa ibang room sa dorm dahil may kailangan silang tapusin.

"Hey, Jex." Napalingon ako ng biglang may tumawag sa aking pangalan. Akala ko si Mr. Ford pero siya pala.

"What?"

"I heard about-"

"Stop. Wag mo na sabihin. Thanks for the concern."

"And I just want to say sorry-"

"Yeah. It's okay. Just leave me alone."

Aalis na sana ako ng pigilan ulit ako nito.

"I love you."

"But you also love her."

Natigil ito sa bigla kong sinabi. Ramdam ko, minahal ako ng lalaking ito pero mas ramdam kong mas mahal niya yung babaeng yon.

Naiwan siya roon na tulala. Di ko alam kung anong trip niya. Siya ang may kasalanan kung bakit kami nag away ni Alyx e. Tsk

Makalipas ang ilang oras pagkatapos ng quiz namin ay in-announced na ni Mrs. Vina ang result.

"Congratulations, Ms. Alyx for being the highest." Anunsyo nito at nagpalakpakan naman ang iba. Nadismaya ako dahil ito yung subject kung saan tinatalo ko siya noon pero ngayon, mukhang baliktad na.

"And you Mr. Ford, keep striving okay? You got two points out of twenty."

Napapikit ako ng malaman ang score ni Mr. Ford. Inaasahan kong mga lima lang ang makukuha niya pero di ko akalaing mas mababa pa pala. Geez.

"Let's talk." Sambit ko kay Mr. Ford at nauna ng lunabas ng room. I tried but it's not working. Kung walang magbabago sa mga scores na nakukuha niya, tiyak na bagsak na naman siya after ng finals. Bakit pa ako mag aaksaya? Wala naman na din yung mga dahilan kung bakit nag aaral ako.

"I quit. Just tell it to your dad." Lakas loob kong saad at aalis na sana ng pigilan niya ako.

"Why?"

"Kapag bumagsak ka this finals, tatanggalin rin naman akong tutor mo. Pinapaaga ko lang."

"Yan lang ba ang rason?"

"Ano pa ba?"

Di ito sumagot. Bago pa man din ako makalayo ay bigla ulit itong nagsalita.

"Kapag ba pumasa ako, ipagpapatuloy mo?"

Tutoring Mr. FUTURE CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon