Chapter Twenty Eight

164 4 1
                                    

Edrian's POV

"Hey tama na yan Jezka. Masyadong malakas tama niyan. Di ka pa naman sanay uminom." Pigil ko kay Jezka ng magtangkang uminom muli. 'The bar' pa naman ang kanyang iniinom e ang lakas ng tama ng alak na iyon.

"Nakakailang inom ka na. Tama na yan." Pagpapatuloy ko at inagaw na sa kanya ang baso. Kinakausap niya lang si Alyx kanina tapos bigla na lang uminom. Ano naman kaya nasabi ni Alyx dahilan upang uminom tong babaeng ito? Gusto ko sanang tanungin ito kay Alyx kaso natutulog na ulit ito.

"Ed, why is that? The pain is still here. Bakit ayaw niya matanggal?" Nagsimula na siyang umiyak at magtanong-tanong. Sinubsob nito ang kanyang mukha sa lamesa at nagpatuloy sa pag iyak.

"Eto malamig na tubig." Abot ni Mia sa akin na agad kong kinuha.

"Hey, uminom ka muna ng tubig." Sambit ko at buti na lang di matigas ang kanyang ulo. Kinuha niya ang tubig na iniaabot ko at ininom ito.

Pagkatapos ay sinubsob ng muli ang kanyang mukha sa lamesa. I saw on my peripheral vision na nakatingin sa aming direksyon si Brix.

Lalake ako kaya alam kong gusto niya si Jezka. Ramdam ko sa kung paano niya tignan ang kaibigan ko. Nagtataka lang ako dahil ang tingin niyang iyon ay parehas sa kung paano niya tignan si Thea. Di kaya, mahal niya rin yang si Thea? Nako, imposibleng dalawa ang mahal mo. Alam ko, may mas matimbang sa kanila. Ang tanong ,sino?

Ang labo din kasi ng Brix na to. Gusto kong kausapin, kaso palagi silang magkasama ni Thea.

"Ed, gutom ako." Rinig kong bulong ni Jezka kaya agad akong tumayo at kumuha ng makakain.

**

Jezka's POV

Nagising ako isang umaga na masakit ang ulo ko. Damn, anong nangyari?

"Oh? Gising ka na pala. May binigay si ate Lany na sopas." Rinig kong tugon ni Aly. Nagmulat ako ng mata at bumungad sa akin ang nag aalalang mukha ni Aly.

"Iyan kasi, uminom inom ka pa! Kwinento na sa akin ni Alyx at Edrian ang nangyari. Di mo matatakasan ang problema mong iyan sa pag inom." Bungad na sermon nito. Napahawak ako sa aking ulo dahil tagos sa utak ang kanyang sinabi.

Lumapit ako sa sopas sa may lamesa at pilit itong kinain. Gusto ko ng malamig pero parang gusto ko rin ng mainit na maiinom. Oh why is this feeling?

"Magpahinga ka na lang muna dyan bago ka umuwi sa inyo. Gusto pa sana kitang samahan kaso naka pa book na ako ng ticket papunta sa amin. Kaya mo bang mag isa muna rito?" Malungkot nitong tanong. Nag nod na lang ako at ngumiti sa kanya.

"Nga pala, lahat ng nasa cafeteria ay nag bakasyon na rin. In case, di mo alam. Pero may mga binili pa naman akong makakain diyan sa loob ng ref. Kuha ka na lang. Okay?" Pagpapatuloy nito.

"Mauuna na talaga ako. Late na ako. Wag ka na ulit iinom." Lumapit ito sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

"Bye." Sambit nito at tuluyan ng lumabas sa pintuan. Nahiga ako at pinikit muli ang aking mga mata.

Kung ano man nangyari kahapon, mamaya ko na pro-problemahin. Gusto ko na lang munang matulog.

Tutoring Mr. FUTURE CEOWhere stories live. Discover now