Chapter Twenty Nine

160 4 0
                                    

Jezka's POV

"Ate? May problema ka ba?" Napatingin ako kay Kyle ng tawagin nito ang aking atensyon. Umuwi ako ngayon sa aming probinsya upang makasama ang aking kapatid ngayong bakasyon. Nandito kami ngayon sa bahay ng aming kamag-anak. Buti na lang at mabait tong kapatid ni mama kung kaya't maswerte parin kami.

"Wala. Wala. Kumain ka na diyan." Sagot ko. Naalala ko kasi yung nangyari noong xmas party. Nasukahan ko pala si Edrian nung pauwi na kami sa dorm at dahil sa akin muntik pa kaming mahuli na kumuha ng alak. Buti na lang at naitago nila ako bago makapasok si Mrs. Vina sa loob ng room.

"Kumusta pag aaral mo iha?" Tanong ni tita Candy, ang kapatid ni mama.

"Ayos lang naman po tita. Bumabawi parin." Nakangiti kong sagot at nagpatuloy sa aking kinakain.

"Ate alam mo ba? Nag top na si Kyle sa klase nila." Balita naman ni Keith. Ang nag iisang anak ni tita Candy. Nasa ibang bansa ang kaniyang asawa kung kaya't dalawa lang sila rito sa bahay nila kasama si Kyle.

"Oh? Expected na iyon. Syempre mana sa akin ang kapatid ko." Natatawa kong komento.

"Sus. Di sayo ate. Kay papa kaya." Tutol naman ni Kyle.

"Nako, tama na yan. Kumain muna kayo para makapagligpit na." Masaya namang sambit ni tita Candy.

I really need this space. Walang Brix. Walang prino-problema. After ng xmas celebration, kailangan ko ng bumalik dahil medyo mahaba-haba ang byahe. Nagdala nga ako ng ilang notebook para kahit papaano maka pag review parin ako pag may time dito.

"Ate kumusta kayo ni kuya Edrian?" Out of nowhere na tanong ni Kyle. Agad na napatingin sa akin si tita Candy at si Keith.

"Ang Edrian po na tinutukoy niya ay iyong lalakeng lagi kong kasama noong bata pa po ako. Akala po kasi niya, kami raw." Pinagpapawisang paliwanag ko. Damn, kung ano ano kasi tinatanong ng kapatid ko.

"Kaibigan mo lang iyon? Sayang boto pa naman ako doon." Sambit ni tita Candy.

"Yieee ate." Pang aasar naman ni Keith.

Nagulat ako sa kanilang mga naging reaksyon lalo na kay tita Candy. Akala ko kasi magagalit.

"Kumusta naman na ang batang iyon? Sabihin mo mamasyal minsan rito." Sambit pa ni tita Candy. Nagpatuloy ang aming kwentuhan hanggang sa matapos kumain.

**

"Jezka! Merry Christmas! I love you, mwa!" Nilayo ko ng kaunti ang cellphone sa aking tainga dahil sa lakas ng boses ni Aly at Alyx. Trip kasi nilang mag conference call.

"Yeah. Merry Christmas too. Sana kahit papaano, humina na mga boses niyo." Natatawa kong suhestyon.

"Sana kasi, lumakas na pandinig mo." Pang aasar naman ni Aly.

"Sana parehas na kayong magbago." Tugon naman ni Alyx.

I'm lucky to have them.

"Sige na. Ibababa ko na dahil tinatawag na ako. Bye ingat kayo diyan." Masaya kong sambit at nagpaalam na rin sila.

Naka received pa ako ng message galing kay Edrian:

'Busy? Merry Christmas Je. Just take good care of yourself.'

Nag reply rin ako at binati siya ng merry Christmas. Sinabi ko na rin na kinakamusta siya nina tita Candy at kasabay na rin ng paghingi ko ng pasensya ukol sa nangyari noong xmas party. Iniwan ko ang aking cellphone sa kwarto at nagtungo na sa labas kung nasaan sina tita.

"Merry Christmas everyone!" Sigaw ni tita ng saktong mag twelve na. Noche buena is still the best. Nagbatian kami at nagbigayan ng mga simpleng regalo.

This is the first time na wala sina mama. Mas masaya pa sana kung nandito sila. Hays.

**

Ting!

Nagising ako dahil sa tunog na galing sa cellphone ko. Sino naman kaya ang nag text?

Tumayo ako at inaantok na kinuha ang aking cellphone. Nagtataka ako ng makita ang new number na nag text at binabati ako ng merry xmas. Ah yeah, di pa rin ba uso ang magpakilala?

Di ko na lang ito nireplayan at naglakad na sa labas ng kwarto upang maghilamos. Sabay sabay kaming kumain nina tita ng pang agahan. Pagkatapos ay ako na ang nag volunteer na maghugas.

**

Ting!

Napatingin aking muli sa cellphone ko ng tumunog ito. Binuksan ko ang message at laking gulat ko ng makitang muli ang new message.

'So wala kang balak mag reply?'

Basa ko sa text. Oh? Nakaka alala parin pala siya.

I need to take rest Brix. Kailangan kang iwasan dahil ang pagkakagusto ko sayo ay hindi na healthy.

You're making me fall for you.

And I'm afraid that, I'm falling alone.

Tutoring Mr. FUTURE CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon