Chapter Eleven

174 5 0
                                    

Jezka's POV

"Nagpapatawa ka ba? Hahaha! Mr. Ford, I am your tutor remember? Tuturuan mo ang tutor mo?" Natatawa kong tanong kay Mr. Ford dahil sa kanyang sinabi. Nagpaalam na si Aly kanina dahil may pasok pa ito.

"Hey, di ba sinabi mong mag qui-quit ka na bilang tutor ko?"

"Ha? Did I say it? I forgot." Nauutal kong sagot. Oh self, why did you say that kase?

"Tss. Pero I am serious, I want to help you."

"How can you help me, kung yung paulit ulit kong tinuturo sayo di mo man lang makabisado?" Naaasar kong tanong. He's just trying to help pero parang di kasi siya makakatulong.

"If you want to help me, then pumasa ka sa sarili mo munang sikap. Para, magkakaroon ako ng time para mag focus sa grades ko. Tapos pag nangyari yun, makakabalik ako sa ranking and on the other hand, pag nakapasa ka ay di rin mawawala scholarship ko sa papa mo. What do you think?" Nakangiti kong tugon kay Mr. Ford.

"Ayoko." Seryoso nitong sagot.

"Dali na, kahit yun na lang maitulong mo."

"Ayoko nga."

"Nakaya mo namang mag improve kahit wala ako e."

"No."

"Noong nagpapaliwanag ako, wala kang naiintindihan ni isa tapos nung nawala ako, biglang nag improve. Oh di mag self study ka na lang muna, mas makakatulong pa yun. Basta wag mo muna akong isusumbong. Hahaha!"

"Ayoko nga."

"Tss." Inirapan ko siya sa kanyang sinabi at nagsimula ng maglakad.

"Do you know why I never understand even just one topic you explained?" Rinig kong tanong niya sa malayo. Mukhang di ito sumusunod sa akin. Tss, di wag.

"Why?" Sigaw ko pabalik.

"Because I'm busy thinking my feelings for you. I'm busy staring at you. I'm busy wondering what is this feeling."

Rinig kong paliwanag niya. Buti na lang at natatakpan na ako ng isang puno dahil kung hindi, baka nakita niya akong napatigil at nagulat sa kanyang sinabi. Seryoso ba siya?

Umalis lang ako saglit pero ang laki na ng pinagbago niya.

Mrs. Vina told us that he's improving. Now, he offered himself to help me. Tapos teka, ano yung sinabi niya? Umamin ba siyang may gusto siya saken? Hey, wag assuming Jezka.

Aisssh! Ewan ko!

Tutoring Mr. FUTURE CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon