Chapter Four

224 5 0
                                    

Jezka's POV

"Jeeeex!" Napatingin ako sa aking likuran ng marinig ang boses ni Aly. Kumaway ito bago tumakbo papalapit sa akin.

"Nasaan yung kano?" Hinihingal nitong tanong.

"Kano?"

"Yeah. English ng english eh, di kano tawag dun. Or sabihin na lang natin, nasaan yung baby mo?"

Ilang segundo pa bago ko ma gets ang kanyang sinasabi.

"Tss. Di ko yun baby tsaka di ko alam kung nasaan siya." Simpleng sagot ko at nagpatuloy na kami sa paglalakad. Pagkatapos ng pag uusap namin kanina ay di ko na siya nakita. Hindi siya pumasok sa hapon at never ko siyang nakita sa dorm niya ng magpunta ako roon.

"Alam mo ba? Iyong babaeng kaibigan mo, papasok na raw bukas." Napatingin ako saglit kay Aly dahil sa sinabi nito. Anong kaibigan? Tss.

"Di ko iyon kaibigan." Seryoso kong sagot.

"Sus. Kaibigan mo iyon."

"Dati. Dating kaibigan." In-emphasize ko pa ang salitang 'dati' para maintindihan niya. Sino siya? Siya si Maria Alyx De Ocampo. Apat na taon kaming magkaibigan, simula nung grade 7 but we broke up last year. With some stupid reasons!

Nagtungo kami sa cafeteria para kumain na ng pang dinner. Ang cafeteria ay open ng 7:30 am to 10:00 ng gabi. Madaming mga highschool students ang nandirito at ilang mga college students. Walang mga elementary dahil di pa sila pwedeng mag dorm, maliban na lang kung may kapatid kang highschool students or college.

Matapos kumain ay nagpaalam si Aly na mauuna na siya sa dorm dahil inaantok na daw ito. Ako naman ay nagdesisyong pumunta muna sa park para maglakad-lakad. Iisa lang ang park ng school, iyon ay ang park ng elementary. Lol

Habang naglalakad ay bigla kong naalala yung kano, este si Mr. Future CEO. Saan kaya nagsusuot yun? Tss.

Naupo ako sa isang swing at dinadama ang hangin na dumadampi sa aking balat. Nakakamiss maging bata. Iyong, wala kang pro-problemahin maliban sa mga laruan. Iyong konting pagkain lang, ang saya-saya mo na. Kailan kaya yun mauulit? Oh mauulit pa ba?

Natigil ako sa pag iisip ng may bigla akong marinig na ingay. Teka, may multo? Damn, ayoko sa multo! Dahan-dahan akong tumayo at sinisikap na hindi makagawa ng ingay. Baka kasi pag nakita ako ng multo, magpapakita siya sakin! No way.

Mahangin pero namumuo na ang pawis sa aking noo. Di ako matatakutin pero parang ganun na nga. This is the first time na may narinig ako galing sa-

Napalingon ako sa pinangga-galingan ng ingay at parang may part sa akin na nagsasabing puntahan ko kung saan ito. Nawala ang kaba sa aking dibdib at lakas loob hinanap kung saan nagmumula ang ingay.

Dinala ako ng aking mga paa sa harapan ng music room. Ang music room ay medyo malapit lang sa park ng elementary. Teka, baka may nahulog lang na instruments? Pero bakit-

Dali-dali akong pumasok ng music room at laking gulat ko ng makita doon si Mr. Ford na namimilipit sa sakit. Madilim sa loob pero kitang kita ko ang kulay ng kanyang buhok dahil sa kaunting liwanag na nanggagaling sa buwan.

"Hey, are you okay? Suffering from headache?" Mahinahon kong tanong. Pero ang oa naman niya kung masakit lang ulo niya. May clinic naman ang school, bakit hindi siya pumunta don? Tsk. Di ito sumagot at napansin kong nakatingin lang ito sa akin.

Nag decide akong buksan ang ilaw ngunit mabilis siyang lumapit at pinigilan ako.

"Don't open." Nahihirapan nitong tugon at muli siyang napaupo at napadaing sa sakit. Mabilis kong binuksan ang ilaw at laking gulat ko ng makita siyang naliligo sa sarili niyang pawis at may namumuong luha sa kanyang mata. Damn, anong problema niya?

"Hey, are you fine?! Let's go to the clinic! Hey!" Nag aalala kong sambit. Hindi niya ako sinagot at patuloy lang siya sa pagdaing.

Naagaw ng aking atensyon ang isang cellphone na tumutugtog. Tumingin ako kay Mr. Ford na nahihirapan. Bigla ding sumagi sa aking isipan ang nakasulat sa contract na if possible, never let him listen to music.

Dali dali akong lumapit sa cellphone at pinatay ang music. Is this gonna help? Bumalik ako kay Mr. Ford at napakagat ako sa aking labi ng makitang tuluyan ng bumuhos ang luha sa kanyang mata.

With an unknown reason, nakaramdam ako ng pagka awa sa kanya.

I never know him but there's this part of me that I want to know him more. It feels like something is bothering him. It feels like he's being drown by sadness. It feels like he's been going through a lot.

I want to help him.

I'm your tutor and I'll use that job to know you more.

Tutoring Mr. FUTURE CEOTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang