Chapter Thirty Three

164 4 0
                                    

Jezka's POV

"Congratulations! Saan tayo ngayon?" Natatawang tanong ni Aly.

Graduation day.

Ito yung pinakamasaya kasi sa wakas, nagbunga na ang lahat ng aking pinaghirapan. Kahit di na ako nag valedictorian, ayos na yung nakapasa. Maiintindihan naman siguro nila papa at mama. Ginawa ko naman ang lahat ng best ko para mabawi yung pagiging top one kaso masyadong malaki talaga ang binaba ko noong nakaraang sem.

"Kina Edrian!" Sagot naman ni Alyx sa tanong ni Aly.

"Ayos lang kung KKB sa pamasahe." Tugon naman ni Edrian.

"Nako, ang layo ng bahay nila." Komento ko.

"Ay sige wag na lang." Natatawang sambit ni Aly.

"Treat mo na lang kami rito." Suhestyon ko na agad naman sinang ayunan nina Aly.

"KKB." Depensang muli ni Edrian.

"Puro ka KKB. Ang damot nito." Ani Alyx.

"Si Jezka lang gusto mong ilibre e." Dugtong pa ni Aly.

"Dami niyong sinasabi, sige tara na." Pagsuko ni Edrian at nauna ng naglakad. Di naman madamot si Edrian, di ko lang alam kung bakit parang nag iba na ata siya ng mood. Lagi siyang mabiro dati pero bakit parang di na ngayon?

Bumabalik yung lalaking nakita ko noon sa resort. There's something really strange with him. What's wrong?

"Jex! Di ka sasama?" Rinig kong tanong ni Aly.

"Susunod na lang ako. May kailangan pa akong puntahan. Pm me kung nasaan kayo." Nakangiti kong sagot.

**

"Hey." Kumalabog ang puso ko dahil sa gulat. Tumingin ako sa aking likuran at mas lalo akong nagulat ng bumungad sa akin ang maaliwalas niyang mukha.

Di ko lang ito pinansin at itinuon ang aking paningin sa malayo. Ano naman kaya ginagawa niya rito? But it's been a long time mula ng makasama ko siya rito. Naupo siya sa isang swing sa aking likuran. Mas mabuti na rin ito para di niya makita ang mukha kong pinagpapawisan na. I can't control my heart from beating whenever his around me.

Ilang minuto ang namayani na walang nagsasalita. Ilang minutong walang sino man sa amin ang gumagawa ng ingay. Di ko alam kung anong iniisip niya ngayon. Di ko rin alam kung bakit siya pumunta rito.

"I'm sorry." Natigil ako sa aking pag iisip ng marinig ang biglaan niyang sinabi.

"I'm really sorry." Pang uulit nito. Di ako lumilingon. Mukha akong na estatwa sa aking kinauupuan. Kung nakatayo lang siguro ako ay malamang sa malamang, nanghina na ang aking mga tuhod.

"Sorry for leaving you. Sorry for making things hard for you." Sambit pa nito. Nagsisimula ng mamuo ang mga luha sa aking mata kung kaya't tumitingin na ako sa itaas na para bang may tinitignan.

"Sorry if you think, I made you fall for me."

At doon na tuluyang bumagsak ang luha sa aking mata. Iyon kasi yung nangyari, nahulog ako sa mga matatamis niyang salita ng hindi ko namamalayan. And do you know what it hurts? He's saying sorry kasi alam niyang di niya ako masasalo. That slaps!

Nilakasan ko ang aking loob at tumayo na. Damn, I can't take it. Ayos na iyong sabihin niya ang salitang 'sorry'. Ayos na ako doon.

Pero bago pa man din ako makahakbang ay hinarangan na ako nito. Nagtama ang aming mga mata. Ang seryoso niyang mukha ay napalitan ng pagka awa. Oh damn, this can't be happening.

Pinunasan ko ang basa kong mukha at inayos ang aking sarili. Ngumiti na parang di masakit. Ngumiti na parang ayos lang ang lahat.

"It's okay." Nakangiti kong sambit. I bite my lower lip para pigilan ang aking sarili na magsalitang muli dahil sigurado akong pag nagsalita pa akong muli ay sasabay ang pagbagsak ng aking luha.

Napahilamos ito sa kanyang mukha at itinuon sa ibang direksyon ang kanyang paningin.

"Can we talk? Iyong parang dati? May sasabihin lang sana ako." Sambit pa nito.

Wala sa sariling naupo akong muli sa swing. Gusto kong umalis, ayokong makipag usap subalit nanghihina ang aking mga tuhod.

Kung ano man mga sasabihan niya, hinihiling ko na lang na sana ang mga salitang iyon ang tatanggal sa sakit na aking nararamdaman ngayon.

Tutoring Mr. FUTURE CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon