Chapter Six

196 6 0
                                    

Jezka's POV

"Review that for the monthly examination."

Lapag ko ng apat kong notebook sa harapan ni Mr. Ford habang kumakain kami rito sa cafeteria. Nauna ng umalis si Aly dahil maaga ang first class niya sa hapon. Actually, mas madaming pinapagawa sa stem strand kaysa sa amin na abm strand.

"Why can't you just summarize that notebooks in one paper? It's too many." Tamad nitong sagot. Tss, i-summarize ang apat na notebook sa isang papel? Seryoso ba siya?

Sasagutin ko pa sana ito ng biglang naagaw ng aming atensyon ang grupong kakapasok sa cafeteria. Nagsigawan at nagtilian ang mga estudyante na para bang artista ang mga pumasok. Tss, hangin!

"Too noisy." Reklamo ni Mr. Ford at balak na sanang tumayo ng pigilan ko ito.

"Hep hep!" Tumingin ako sa notebook na nilapag ko sa table.

"No. I'm not reviewing." Bored nitong sagot at nauna ng maglakad. Damn, buti sana kung nakikinig siya sa klase!

"Teka, wait!" Inayos ko ang aking mga gamit at pilit siyang hinabol ngunit bigla na lang may humarang sa akin.

"So what do you think of us?" Bungad na tanong ni Alyx sa akin. Kasama nito si Mr. Dexter Corpuz. Ang lalaking dahilan ng away namin ni Alyx. Nagkabalikan pala sila. Good for them.

"Good." Simpleng sagot ko ng hindi tumitingin sa direksyon ni Dexter. I'm still not over from him, maybe konti na lang.

Aalis na sana ako ng pigilan ulit ako ni Alyx.

"Are you not surprise? We're together again." Masaya nitong tugon.

"Huh? Do I need to?" Nagtataka kong tanong. Narinig ko naman ang biglang pagtawa ng ilang barkada ni Dexter na naroroon.

"Alyx, stop it." Pigil ni Dexter kay Alyx. Pero di niya ito pinapansin at sa halip ay nagsalita muli ito sa akin.

"Common, you're still not over him. Right? But sorry he's mine now."

Ngumisi ako sa kanyang sinabi. Pilit pinapakitang di ako apektado. Apektado ako pero konti na lang talaga, mawawala na.

Sasagot pa sana ako ng biglang may humawak sa aking kamay at hinila na ako.

"I hate waiting. You're too slow." Reklamo ni Mr. Ford habang hinihila ako.

Wala na akong nagawa dahil mas malakas ito kumpara sa akin. Binitawan niya ako ng malapit na kami sa library. Teka, bakit kami nandito? Don't tell me, magre-review siya?

"I am not reviewing. I just want to sleep in the library. You can go wherever you want, I'm staying at the library." Bored nitong sagot. Tss, paano ko ba 'to makukumbinsing mag review? Hays.

"Oops, wait! Why did you do that?" I asked out of nowhere. Akala ko kasi umalis na siya kanina.

"All I thought they are bullying you." Agad nitong sagot. Ganon? Mukha bang di ko kaya sarili ko?

"And it seems like, you're affected." Pagpapatuloy nito. Oh? Napansin niya? Di na ako sumagot at sumama na lang sa kanya papasok sa library.

"Review." Seryoso kong tugon ng akma na itong matutulog.

"Nah."

"Review."

"Later."

"Review! Or else-"

"Yeah yeah! You're always reasoning that you'll gonna stay in my room. Wait, do you want me to stay with you in bed?"

Napanganga naman ako sa sunod niyang sinabi. Waw Mr. Ford, ang hangin a!

"Duh. Pero parang ganun na nga. Hahaha! Joke." Natatawa kong sagot.

"What?"

"Assuming. Tss. I'm just doing this for you and also for me. I need you to passed because being your tutor is my only income. Who knows if anytime, they are going to fire me as your tutor because you're not improving." Mahaba kong paliwanag. Di naman na ito sumagot at kinuha ang isang notebook.

"Is this your penmanship? It's like a chickens." Pang aasar nito.

"How dare you judge my penmanship? It's unique, you know."

Inirapan lang ako nito at pilit binabasa ang mga nakasulat roon. Maya't maya ay bigla na siyang sumuko.

"I'm giving up. It's too many! My mind can't review all of that."

"No. Ah by the way, maybe discussing it with you are much better."

Sumandal ito sa pader at nakatingin lang sakin. Hey, Mr. Ford why are you staring at me like that?

"On this side, debit. The other side is credit. Do you know anything about assets, liabilities, or capital?"

"No."

"Uh? Seriously?"

Sabi na e. Hays. Sasakit ang ulo ko sa taong 'to. Paano ko ba isisiksik ang mga information na ito sa utak niya!

Nagpalipas kami sa library ng ilang oras at pilit siyang tinuruan. Nagbabakasaling may matutunan siya kahit konti.

"Don't you have any friends aside from Aly? You're being too strict on mine. You're just a tutor but you're acting like my baby sitter." Rinig kong sambit ni Mr. Ford ng makalabas na kami sa library.

"Tss. Aly is enough and, hey! You're also my friend." Natatawa kong sagot.

"I am not." Nagkaroon ng katahimikan saglit. Maya't maya ay may biglang pumasok sa isipan ko.

"You, don't you have any friends?"

"I have. But I left them at States." Simpleng sagot niya. Oo nga pala galing siya doon at bago lang siya rito.

Maraming mga estudyante ang nagkukumpulan malapit sa bulletin board ng kami ay mapadaan. Out of curiosity ay hinila ko si Mr. Ford at nakisiksik roon. Ano ba meron?

Nagulat ako sa aking nabasa. Napahigpit ang hawak ko sa braso ni Mr. Ford dahil baka anytime ay bigla na lang itong umalis. Iyong gulat na may halong saya.

"I'm not doing that." Agad na sagot ni Mr. Ford ng wala pa akong natatanong.

"Hey, this is your chance!" Masaya kong sagot sa kanya.

"Sorry. Pero di ko gagawin. Mabagsak na kung mabagsak, pero ayoko."

Umulit ng umulit sa aking tainga at sa aking isipan ang huling sinabi ni Mr. Ford. Am I dreaming? Hey, wake me up.

Is Mr. Ford speaking tagalog?

Did I heard it right?

NAGSASALITA NG TAGALOG SI MR. FORD?!

Tutoring Mr. FUTURE CEOWhere stories live. Discover now