Napatingala ako sa madilim na kalangitan ng gabi. Natatakpan ng kurtina ng liwanag ng siyudad ang mga nagniningning na bituwin sa langit.
Andiyan kaba? Pinapanood mo ba ako ngayon? Masaya kana ba? Ito ba ang iyong plano? Bakit.. Bakit ako? Bakit kami pa?
Kung ano man ang mangyari mula dito. Ikaw na ang bahala.
Napahinga ako ng malalim at buong lakas na binuhat saaking mga kamay ang aking walang malay na kapatid.
Nadinig ko ang tunog ng papalapit na kotse. Palapit nang palapit..
Nang palapit..
Kusang kumilos ng mabilis ang aking katawan at tumakbo palabas ng madilim na eskenita patungo sa liwanang ng maingay na syudad.
BEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEPPPPPPPPP!!!!
Sinabayan ng aking huling lakas ang pag tawid ng isang itim na kotseng halos mapudpod ang gulong sa kakapreno upang maiwasan kaming mabundol ng aking kapatid.
Nakaksilaw. Nakakapanghina.
Masyadong maliwanag.
Mula sa loob ng kotse ay nagmamadaling lumabas ang isang matangkad na lalaking nakasuot ng pormal na damit.
Sa itsura palang ay masasabi kong hindi siya isang pangkaraniwang negosyante. Nang siya ay papalapit na saamin ay agad kong binitawan ang aking kapatid, tulad ng isang mailap na hayop na nasapanganib ang buhay.
Kumaripas ng takbo pabalik ng madilim na eskenita, pinulot ang baril at hindi na lumingon muli pa.
Saaking huling patak ng lakas, ay mabilis akong tumakbo palayo mula sa maliwanag na siyudad. Hindi ko maramdaman ang aking mga paa, ngunit patuloy parin ito sa pagtakbo.
Ang aking mga luhang binabasa ang aking mga pisngi. Napakagat ako saaking labi nang matanto kong hindi na kami muli pang magkikita ng aking kapatid.
Hindi na kailanman. Duwag ako. Masyado akong duwag.
Naging duwag ako upang iligtas ka. Nakakatuwang isipin.
..................................
BANG!
Sa hudyat ng isang malakas na putok ng baril ay tuluyang nabalot ng maliwanag at mainit na apoy ang lumang abandonadong bahay na naging saksi ng aking kasalanan.
Pinagmasdan ng aking mga mata ang pagliyab ng mga marurupok na kahoy na dating naging haligi ng nasabing bahay.
Umalingaw-ngaw ang amoy ng gasolina sa buong lugar. Mahina kong binitawan ang lalagyan nito. Pati ang aking kamay, nangamoy gasolina na rin.
Naghahalo na lumipad mula sa nasusunog na bahay ang mga abo ng alala-ala at ang mga abo ng aking mga pinaslang.
Kumirot ang aking dibdib, ngunit wala nang luhang mailuluha pa ang aking mga pagod nang mga mata.
Gusto ko nang mangpahinga.
Dahan-dahan kong naramdaman ang malamig na dulo ng aking hawak na baril sa tabi ng aking ulo.
Wala nang saysay pa na manatili pa sa makasalanang mundong ito. Pinanganak akong duwag, at mamamatay akong duwag.
Hiinawakan ko ang gatilyo ng aking hawak na baril at tuluyan kong ipinikit ang aking mga mata.
"Ako na."
Natigilan ako nang marinig ko ang isang boses ng isang lalake mula saaking tabi. Nanlaki ang aking mga mata habang pinagmasdan ko ang kanyang malumanay na mga matang kasing kulay ng asul na dagat.
Dahan-dahan niyang hinawakan ang aking mga nanginginig na kamay at kinuha ang baril mula saaking kamay at itinutok saaking noo.
Sa mga oras na ito. Wala na akong pakialam. Pingmasdan ko nalang siya.
Napangiti siya saakin ng tuwid at ibinaba ang baril na kanyang hawak.
"Mabubuhay kang matapang."
END OF FLASHBACK
Nadama ko ang pagkirot ng aking ulo na gumising saakin. Dahan dahan kong inimulat ang aking mga mata just to find out and see Ievly worried sick on my side.
"Nasaan ako" ang tanging mga salitang kumawala saaking bibig.
Naramdaman ko ang isang malamig na cooling pad saaking noo. Inilibot ko ang aking panginin.
Isang military tent??
"Wag kang masyadong gumalaw. Gago ka talaga!" Ievly with her irritating worried voice. Napabuntong hininga ako nang marinig ko siya saaking tabi.
"Gising kana pala, Ivann."
Natigilan ako at napako ang aking tingin nang Makita ko ang isang napakapamilayar na dalagang papalapit saakin.
"R..Revienne?"
*** To be continued
___________________________________________________________
REVIENNE'S PREVIEW SCENE
I can see in his eyes, the strength you always wanted to see in a student. Dont punish him for being the man he didnt wanted to be.
This isnt just a superficial feeling, Hagalaz.
Next on Code 365: Project Memory : Datum 31: Superficial Feelings
"I wanted to help him. I wanted be with him."
__________________________________________________________
YOU ARE READING
Code 365 Project Memory
Science Fiction2 years had passed since the infamous Battle Of Valfreya had came to an end, isang Peace Treaty between the Earth Alliance Forces and Xavierheld Government ang matagumpay na nagpalaganap muli ng kapayapaan at katahimikan sa bawat sulok ng Planet Ear...
Datum 30 : Strength and Fury
Start from the beginning
