Datum 25 : Spare Kindness

1.4K 65 55
                                    


EXAMINATION ROOM 45-D, HANNESWORTH INSTITUTE FOR MILITARY ACADEMICS, CITYOF LAURENE, XAVIERHELD COLONY

0834H (08:34AM)

Ielvy's Point Of View

Inilibot ko ang aking paningin sa aking hawak na makapal na examination paper habang kasalukuyang dinaramdam ang malamig na metallic chair na aking inuupuan.

Walang kahit ni isang hibla ng ingay ang naghamon na lumabas mula sa bibig ng iilan saaming kapwa examinees. Balot ng tensyon at kaba ang kani-kanilang mga itsura.

Sa sobrang katahimikan ay mas lalong nagsisilabasan ang malalamig na pawis sa noo't leeg ng bawat examinee.

Nakakasakal, nakakapangilabot. Daig pa ang nakakita ng lumulutang na kabaong sa kalagitnaan ng gabi ang lagim na dala ng mga tanong na nakasulat sa papel na aming tinitignan ng mahigit 5 oras.

Pinagmasdan ko ng maigi ang kaitiman ng mga marka ng isang hindi pangkaraniwang tinta mula saaking hawak ng isang espesyal na examination pen.

It's been like almost 5 hours nang mapadpad kami sa situwasyon naming ito. It's like holding on a severe explosive diarrhea while sitting in a military fashion.

Walang lugar ang pagiging komportable. Hindi kami mapakali.

Huli na nang matanto namin ang tunay na rason sa kung bakit kami sapilitang ipinagbihis, dinampot at dinala sa lugar na ito. Hindi ito inaasahan, but still it was giving good edge for our mission.

Ngunit isa lang ang nasa isipan ko ngayon. I'm sure we are currently taking the entrance exam for the famous military school sa buong Xavierheld.

Sa pagkumpas ng kamay ng orasan ay kusang kumawala ng aking mainit na buntong hininga. Buti nalang at medyo mainit-init ang pamilyar na unipormeng sapilitang ipinasuot saamin ni Ivann.

The familiar moss green uniform that symbolizes change, valor, excellence and loyalty to Xavierheld's breeding place for military geniuses.

Ang paaralang pinaggalingan ni Lady Stella at ni Tristan. Ang paaralang kumalinga sa naulilang katauhan ni Prinsipe Troy, at ang paaralang naging sentro ng lakas ng mga Rockwells.

Walang iba kundi ang pamosong Hannesworth Institute For Military Academics.

Napatikom ako ng aking bibig at maingat na ilibot ang aking tingin kay Ivann mula sa kabilang row.

Halata sakanyang mga namumugtong mga pawis sa noo ang hirap sa pagsagot sa iilang tanong na muling nag balik sakanya saaming sinimulan.

Balistics, Quantum Aerodynamics at iba pang mga advance technical terms na hindi kailanmang pumapalya sa pagpapasakit ng kanyang ulo.

Although he had the great and unique talent to draw and design mechanical models, still, like the admiral had said, his hands need my mind.

It takes the mind of a talented vanguard to give life to his creations, for he is the body and I am his soul.

Ivann needs me. We are inseparable in terms of this aspect.

To complement each other and not to act just like a spare.

Just like a spare.

Just.

Like.

A

Sp.. spare...


St. Leonard's Medical Center, Planet Earth

Code 365 Project MemoryWhere stories live. Discover now