Datum 6 : A Date

2.7K 127 84
                                    

EDELWEISS OPTICAL SHOPPE, CITY OF LAURENE, XAVIERHELD COLONY

10:34H (10:34 am)

Howard's Point Of View

Maigi kong tinapakan ang preno ng aking dalang red sports car nang tuluyan na akong makarating sa pakay kong tindahan.

Pinagmasdan ko lang mula saaking lulang kotse ang kabuuan ng pinaka tanyag at sophisticated na optical shop sa buong Xavierheld, ang "Edelweiss Optical Shoppe".

Ang lugar ng aming muling pagkikita.

Pilit kong pinagmasdan mula sa rear mirror ang aking mga matang mapa hanggang ngayon ay wala paring nakukuhang disenteng tulog. 

It's been almost a day that Revienne had gone missing, and we have the solution to get her back. We just need to sacrifice our comfort for the sake of her safety.

Buong diin kong isinara ang aking mga mata at agad itong binuksan upang pilit na maitago ang antok na sumasalamin dito.

Hindi maaring maging ganito ang itsura ko pag kami ay muli nang nagkita.

I looked through the mirror as I recall back the truth behind that image.

4 HOURS AGO

Mula roon ay kitang kita namin ang imahe ng dalawang taong nakatayo mula sa dalampasigan, hindi kalayuan sa nasabing base.

Ang isa sakanila ay buhat sakanyang mga bisig ang isang taong nakasuot ng mahabang puting damit.

Hindi pa nakontento ang dalagang Admiral at maigi niyang nai-click ang image at mas pina zoom pa ito ng mas malinaw, daan upang lubusan nang maliwanagan ang mukha ng mga taong nasa imahe.

Halos manlaki ang aming mga mata sa nakita. Gumapang ang kakaibang lamig saaking buong pangangatawan.

Si Revienne, natutulog sa mga bisig ng isang hindi kilalang matangkad na lalaking may kulay kayumangging buhok.

Mula sakanyang tabi ay naroroon ang isang pamilyar na babaeng nakasuot ng itim na dress.

Batid kong nagsisimula nang mamutla ang aking itsura kaya pilit kong pinapakalma ang aking sarili sa mga nakita.

"Walang dudang si Revienne nga iyan.." pahayag ni Admiral at nagawa niyang i click ang image ng nasabing hindi kilalang mga tao sa screen.

Agad na lumabas sa screen ang personal close up photo at information ng nasabing misteryosong mga taong dumakip saaming kasamahan.

"Ivann Greyson. Ielvy Serenity. the names of the core members of the 3 man coterie na "Expiatio". Napaharap siya saamin. "It seems like, we hit 2 birds out of one stone." Admiral Maris as she then smirked.

Ielvy Serenity huh..

"Then how do we get them?" Stella with her curious tone.

Kung ito nalang ang makakapag bigay tuldok sa lintik na problemang ito, then wala na akong magagawa pa.

Though, she saved my life, mas mahalaga parin ang buhay ng aming kasamahan.

Napapikit ako at ipinag krus ang aking braso. Sa isang malalim na paghinga ay agad akong tumindig ng aking tayo.

" I know how to get 'em.." I said as they looked at me seriously.

End of Flash back

Marhan kong hinubad ang aking suot na brown aviator sunglasses at hinayaan kong suriin ng aking mga mata ang napakaganda at napakakintab nilang glass interior door na siyang bumabati sa mga mararangya nilang mga customers.

Code 365 Project MemoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon