Datum 21 : Midnight Appointment

1.4K 77 169
                                    

HANNESWORTH INSTITUTE FOR MILITARY ACADEMICS, CITY OF LAURENE

XAVIERHELD COLONY

2355H (11:55PM)

Stella's Point Of View

Palihim akong napakamot ng aking batok habang pilit na iniinda ang kakaibang sense ng awkwardness na pumapalibot saamin ni Captain Hagalaz.

Napakatahimik ng buong hallway na aming binabagtas sa kalaliman ng gabi at mas dumadagdag pa iyon sa tindi awkwardness na aking nararamdaman.

Hindi lang naman siya umiimik, at tanging ang aming mga yapak lang ang nangingibabaw sa buong pasilyo.

Geez. Bakit saakin pa nangyari ang bagay na ito.

I know it's an accident. I've explained it to him, but still, nakakahiya parin. Of all the scenes na pwede niyang abutan yun pa.

Kung abutan ka ba naman ang sandamakmak na kamalasan galing langit. Sh*t.

Pati si Captain Penguin hindi na nagawa pang makaimik after the said incident at agad na umalis saaking quarters kasama ng mala-kamatis niyang mukha.

Ayan tuloy, hindi ko lang naman nagawang maitanong ang kanyang pangalan. He will be known as Captain Penguin, now and forever.

Bakit kasi siya agad na umalis? Nagmumukha tuloy kaming guilty, as If naman may ginagawa kaming kababalaghan sa loob at—

"Stella."

Agad akong natahimik at napatigil saaking paglalakad nang kunin niya ang aking atensyon. Hindi ko na nagawa pang mamalayan na tuluyan na pala kaming dinala ng aming mga paa sa tarangkahan ng opisina ni Admiral Maris.

"Ca..Captain?" nauutal kong pagsagot at pinagmasdan ang kanyang paglapit saaking harapan. Mabilis ko nalang naramdaman ang kirot ng ginawa niyang pagpitik sa dulo ng aking ilong.

"What's that for?!" ipit na pagsigaw at agad na hinawakan ang aking ilong.

"Wag mo nang gagawin ulit yun. That man might be found dead in pieces pag nalaman ni Vaughn ang naabutan ko kanina." He said seriously.

"What? Are you kidding me, Captain? Like I've said before, walang kahit anong malisya yun. Its 100% accident! Kahit na ipatawag nyo pa ang lalaking yun—"

"Kahit na isa yung aksidente, Vaughn will easily get jealous knowing na involved ka. I'm still your husband's best friend, Stella." He said na nagpatigil sa tibok ng aking puso.

My.. husband.. Napahawak ako saaking kamay. May kung anong kirot ang naramdaman ko saaking dibdib.

He was considered to be my husband, yeah. But still, hindi parin mabubura ang katotohanang ni hindi parin niya akong magawang maalala at kilalanin na kanyang asawa. Kahit ni girlfriend lang. O kahit na isang kaibigan.

Wala. Wala akong napala.

Kumawala ang isang buntong hininga nang mukhang nahalata ng seryosong kapitan ang kalungkutang biglaang nagbura saaking mga ngiti.

Naramdaman ko ang bigat ng kanyang kanang kamay as he then touched my shoulders and gave me a serious but reassuring look with his blue eyes.

"Everythings gonna be alright. Babalik siya. Hindi pwedeng hindi." He said na lubos na nagpagaan ng aking pakiramdam. He then assisted me through the Admiral's door.

"Now hurry. Maris wants to talk to you." He said as he inputs the door's lock code. The pressurized door then emitted some mild gusts that had swayed the skirt of my uniform.

Code 365 Project MemoryWhere stories live. Discover now