Datum 4 : Savior

3.2K 154 63
                                    

Howard's Point Of View

"E..Edward?.." tulala kong sambit habang pinagmamasdan ang babaeng nasaaking harapan. Ni hindi ako makakilos mula saaking kinatatayuan.

"What? Edward? Bulag kaba? kita mo naman siguro na may boobs ako! babae po ako!" galit niyang sigaw sakin.

Unti unting nagsasara ang aking pandinig sa sobrang kaba.

Hindi magkamayaw ang mga magkahalong emosyong rumaragasa saaking dibdib. Ano ba ang una kong mararamdaman? 

Kaba dala ng mga hindi inaasahang mga pangyayaring to?

Galak pagkat muli siyang nagbalik?

O kaya naman takot pagkat baka minumulto lang talaga ako ni Edward?

Ano Howard?! Ano?!

Agad na naglaho ang mga nangungulit na agam agam saaking isipan nang maramdaman ko ang bigla niyang pagapos saaking kwelo na aking ikinabigla.

Matalim niya akong tinitigan gamit ang kanyang mga matang punong puno ng magkahalong inis at pag aalala. Hindi na ako nakaiwas pa.

"Ano bang problema mo?! wag na wag mong gagawin yan sa harap ko!! humanap ka ng ibang pwesto tutal sementeryo naman ito!" sigaw niya na nagpabalik saaking mga senses.

Hindi ko na nagawa pang mapigilan ang aking sarili at madali siyang hinawakan sa kanyang mga braso. Napailing siya saaking ginawa at nagsimulang magpu pumiglas.

"Ano bang ginagawa mo?! bitiwan mo ako!!" pilit niyang pagpupumiglas saakin, ngunit wala siyang nagawa pa. 

I immediately gazed through her hazelnut eyes. Hindi ako makapaniwala. Every single detail, Every traits, kuhang kuha niya except for the single mole on Edward's lower lips.

Napako ang tingin ko sakanya and time had stopped for me. Nabingi ako. Wala na akong marinig pa, I just wanna look at her ng paulit ulit.

"Manyak!! kyaaa!!! manyak!!!!" malakas niyang pagsisigaw na pumukaw ng aking atensyon.

"PAAAKKK!!!"

Umugong sa tahimik na lugar ang tunog ng isang malakas at malutong na sampal na nagpagising saakin sa katotohanan.

Mabilis na sumabay ang aking mukha sa lakas ng kanyang pagkakasampal, leaving me staring at her blankly.

"Ang gwapo nga saksakan naman ng pagkamanyak!!!" nangagalaiti niyang sigaw saakin. "Just as I expected! pare pareho kayong mga lalake! mga manyak!!!" hugot niyang dagdag na nagpakunoot ng aking kilay.

"Excuse me? tama ba ang naririnig ko?? ako isang manyak? ayus-ayusin mo ang mga sinasabi mo babae ka!" inis na sagot

"Eh sa totoo naman! pare pareho kayo!!" 

"Bat ba ang bitter mo miss?! wag mo nga akong idamay dyan sa pagiging bitter mo!" sagot ko habang hawak hawak ang aking namumulang pisngi.

"Aba may nalalaman ka pang ganyan? You should have thanked me for saving you!" mapagmalaki niyang pahayag at ipinagkrus ang kanyang mga braso sabay tingin sa malayo.

"I should be going now. Hindi na ako dapat pang magsayang ng oras ko sa isang tulad mong suicidal na manyak na lalake." sambit niya habang nagsimula nang maglakad palayo saakin.

Agad akong napalingon patungo sakanya. 

"Hindi ako manyak! tska bat ba ang bitter mo?" inis kong pahayag as I stare at her back. Agad siyang napatigil sakanyang paglalakad.

"Kahit anong gawin mo, manyak ka parin. At isa pa, hindi ako bitter. Life just thought me how to be vigilant and strong, unlike you."

Nanlumo at natigilan ako sakanyang sinabi. Time had once again opened and started to move as as watch her walk away from me. From the very beginning that Edward had left me, I grew weak and coward. 

Code 365 Project MemoryDonde viven las historias. Descúbrelo ahora